Ellen at Derek, gumagawa ng baby sa Antarctica!

February 23, 2024 | 12:00am Ellen Adarna at Derek Ramsay. STAR/ File Ang bongga naman ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay na nag-e-enjoy sa yelo sa Antarctica. Binahagi nila sa isang post ang pag-explore sa icy continent. Ipinost nila ang mga litrato at video ng penguins at pati na rin ang nakapalibot na mga […]

Ellen at Derek, gumagawa ng baby sa Antarctica!

Ellen at Derek, gumagawa ng baby sa Antarctica! thumbnail

February 23, 2024 | 12:00am

Ellen Adarna at Derek Ramsay.

STAR/ File

Ang bongga naman ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay na nag-e-enjoy sa yelo sa Antarctica.

Binahagi nila sa isang post ang pag-explore sa icy continent.

Ipinost nila ang mga litrato at video ng penguins at pati na rin ang nakapalibot na mga bundok at tubig.

Sa isang hiwalay na post ay binahagi naman ng aktor ang video nila habang naglalakad sa yelo kung saan kinukuhanan niya ang nanay ni Elias.

“I’m happy you are happy! You’re my best friend and the love of my life @maria.elena.adarna,” caption ng mister ni Ellen.

Maririnig sa video na nagpapasalamat siya sa asawa, “Thank you for the amazing gift.”

“Thank you God for my amazing husband who gifted me this trip,” dagdag niya kung saan may inalala sila tungkol sa kanilang experience sa Gulugod Baboy.

Makikita ang saya ni Ellen sa regalo ng asawa at sey nga ng isang netizen ay ‘happy wife, happy life’ kung saan napa-sana all ang marami sa kanilang tagahanga dahil bucket list din daw nila ang makapunta sa pinupuntahan ng mag-asawa.

Nakakainggit naman ang mag-asawa na tila panay ang pag-travel.

Mukhang sinusubukan na nilang gumawa ng baby sa icy continent.

Maaalalang plano na nilang magka-baby ngayong taon at goal nilang magkaroon ng ‘dragon baby.’