Alex inihahanda na ang katawan sa panibagong pagbubuntis

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon February 23, 2024 | 12:00am Inihahanda na ni Alex Gonzaga ang kanyang katawan para mabuntis. Maaalalang sa isang video interview na ipinost sa Youtube channel ng kapatid na si Toni Gonzaga last November, inamin ni Alex na sinubukan nila ng asawang si Mikee Morada na magkaroon […]

Alex inihahanda na ang katawan sa panibagong pagbubuntis

Alex inihahanda na ang katawan sa panibagong pagbubuntis thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

February 23, 2024 | 12:00am

Inihahanda na ni Alex Gonzaga ang kanyang katawan para mabuntis.

Maaalalang sa isang video interview na ipinost sa Youtube channel ng kapatid na si Toni Gonzaga last November, inamin ni Alex na sinubukan nila ng asawang si Mikee Morada na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization, pero ‘di sila nagtagumpay.

“Sobrang pressured ako na mabuntis. Na-pressure ako sa mga taong nagsasabing, ‘Hindi pa ba siya buntis?’”

Nakadalawang miscarriage na sila.

Ngayon ay kinumpirma niyang inihahanda na niya ang katawan para sa muling pagbubuntis ngayong taon. “Came from my immunology doctor. Prepping my body for pregnancy! Claiming it this year ,” aniya sa kanyang Instagram broadcast.