Skycable, itutuloy pa rin

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon February 23, 2024 | 12:00am Grabe, ‘yung akala mong done deal, hindi pa pala. Ganito ang nangyari sa negotations ng Sky Cable at PLDT. Kahapon ay ini-announce nila na mutually decided na hindi ituloy ang bentahan ng Sky Cable sa PLDT sa ilalim ng sale and […]

Skycable, itutuloy pa rin

Skycable, itutuloy pa rin thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

February 23, 2024 | 12:00am

Grabe, ‘yung akala mong done deal, hindi pa pala.

Ganito ang nangyari sa negotations ng Sky Cable at PLDT.

Kahapon ay ini-announce nila na mutually decided na hindi ituloy ang bentahan ng Sky Cable sa PLDT sa ilalim ng sale and purchase agreement na nagkaroon ng pirmahan sa dalawang parties noon March 2023.

Sa pagkaudlot ng pagbebenta ng Sky Cable, inihayag ng broadband at cable television firm na ipagpapatuloy nito ang kanilang operasyon.

Nakatakda sana itong mag-sign off this Feb. 26.

“Sky Cable is pleased to announce that its cable TV service is here to stay, assuring its subscribers that they can maintain their subscriptions.

“Meanwhile, Sky’s internet broadband service, SKYFiber remains unaffected,” ayon naman sa kanilang statement.