Vlogger na si ‘Diwata,’ inaresto kaugnay sa kaso noong 2018

Inaresto ng mga pulis noong Martes ang food vlogger na si “Diwata” dahil sa kinakaharap na kasong pananakit noong 2018. Inareso si Diwata, o Deo Balbuena, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte para sa kinakaharap niyang kaso na slight physical injuries, ayon sa pahayag ng Southern Police District nitong Huwebes. BASAHIN: ‘Diwata’ […]

Vlogger na si ‘Diwata,’ inaresto kaugnay sa kaso noong 2018

Vlogger na si 'Diwata,' inaresto kaugnay sa kaso noong 2018 thumbnail

Inaresto ng mga pulis noong Martes ang food vlogger na si “Diwata” dahil sa kinakaharap na kasong pananakit noong 2018.

Inareso si Diwata, o Deo Balbuena, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte para sa kinakaharap niyang kaso na slight physical injuries, ayon sa pahayag ng Southern Police District nitong Huwebes.

BASAHIN: ‘Diwata’ na dating nasangkot sa rambulan, may-ari na ngayon ng pinipilahang paresan

Ginawa umano ng mga tauhan ng Pasay City Police ang pag-aresto kay Balbuena dakong 10am sa Diokno Boulevard.

Pero nakalaya rin si Balbuena pagkaraan ng ilang oras matapos maglagak ng piyansa na P3,000.

Sinusubukan pa ng GMA News Online na makuha ang panig ng vlogger. —FRJ, GMA Integrated News