Apl.de.Ap, nagbigay ng mga laptop sa kaniyang alma mater sa Pampanga
Hindi pa rin nakakalimutan ni Apl.de.Ap na lumingon sa kaniyang pinagmulan. Kamakailan lang, naghandog ang international singer ng mahigit 20 laptops para sa mga estudyante ng kaniyang alma mater na Sapang Bato National High School sa Angeles, Pampanga. Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Martes, sinabing katuwang ng Black Eyed Peas member ang isang international […]
Hindi pa rin nakakalimutan ni Apl.de.Ap na lumingon sa kaniyang pinagmulan. Kamakailan lang, naghandog ang international singer ng mahigit 20 laptops para sa mga estudyante ng kaniyang alma mater na Sapang Bato National High School sa Angeles, Pampanga.
Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Martes, sinabing katuwang ng Black Eyed Peas member ang isang international online education platform at isang computer brand para sa kaniyang mga regalo.
Bukod dito, nagtanghal din si Apl.de.Ap. kasama ang The Voice Generations contestant na Ayta Brothers.
Sinabi ng Filipino-American rapper na nakikita niya ang kaniyang sarili sa mga bata roon na puno ng pangarap.
“I was born here. I grew up in Sapang Bato, and I was one of these kids. As one of these kids I was given an opportunity and became a Black Eyed Peas member. And now I’m paying it forward to help kids just like me to be able to have an opportunity to these resources and to be able to compete with the world,” sabi ni Apl.de.Ap.
Kamakailan lamang, nakipag-collab si Apl.de.Ap kay Sandara Park sa kantang “2 Proud.”
Sinabi rin niyang tinatrabaho na ng Black Eyed Peas ang kanilang susunod na album.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News