Carla Abellana sa bago niyang bahay: ‘It’s more than sulit ang paghihirap’

Nagpapasalamat si Carla Abellana ngayong nakalipat na siya sa kaniyang bagong bahay. Ang aktres, natutulala pa rin daw minsan sa kaniyang dream home. “Hindi ko rin alam kung paano nangyari,” saad ni Carla sa Updated with Nelson Canlas podcast. “May times natutulala pa rin ako sa bahay. Iniisip ko, ‘Oh my gosh, ito na ‘yung […]

Carla Abellana sa bago niyang bahay: ‘It’s more than sulit ang paghihirap’

Carla Abellana sa bago niyang bahay: 'It's more than sulit ang paghihirap' thumbnail

Nagpapasalamat si Carla Abellana ngayong nakalipat na siya sa kaniyang bagong bahay. Ang aktres, natutulala pa rin daw minsan sa kaniyang dream home.

“Hindi ko rin alam kung paano nangyari,” saad ni Carla sa Updated with Nelson Canlas podcast. “May times natutulala pa rin ako sa bahay. Iniisip ko, ‘Oh my gosh, ito na ‘yung pinangarap ko, ito na ‘yung matagal ko nang in a way, dream or wish, na magkaroon ako ng sarili kong bahay, mapatayo ko siya ‘yung mismong design.”

Ayon kay Carla, may mga pagkakataong hindi pa rin siya makapaniwala na may bahay na siya na matatawag na sarili niya.

“‘Paano nangyari? In a way ang bilis ng pangyayari. And I still can’t believe na natapos na siya, nagawa ko na siya, nakatira na ako roon,” saad ng Sparkle actress.

Noong nakaraang taon, ipinasilip ni Carla habang ipinatatayo niya ang bahay.

“Bawat tile, bawat patak ng mga luha, dugo’t pawis. It’s more than sulit ang paghihirap,” saad niya.

Sinasamantala naman ni Carla ang pagkakataon na magpasalamat sa Maykapal sa mga natatanggap niya na mga blessing.

“Kapag hindi ako makapaniwala, kay God ko na lang sinasabi ‘Ah, ikaw kasi ito.’ You give Him credit. Hindi ako, kundi talagang si Lord. Thank you talaga Lord na He made it happen,” ayon sa aktres. —FRJ, GMA Integrated News