LJ at Philip, gumagawa ng baby sa Italy!

Ang bongga naman ni LJ Reyes at mister na si Philip Evangelista na nasa Italy. Binahagi ni LJ ang mga litrato nila sa kanilang bakasyon habang namamasyal sa Piazzale Michelangelo at ang gaganda ng mga romantic photo nila. Makikita ang photos nilang nagki-kiss, magkayakap at lutang ang saya nila sa laki ng mga ngiti nila. […]

LJ at Philip, gumagawa ng baby sa Italy!

LJ at Philip, gumagawa ng baby sa Italy! thumbnail

Ang bongga naman ni LJ Reyes at mister na si Philip Evangelista na nasa Italy.

Binahagi ni LJ ang mga litrato nila sa kanilang bakasyon habang namamasyal sa Piazzale Michelangelo at ang gaganda ng mga romantic photo nila. Makikita ang photos nilang nagki-kiss, magkayakap at lutang ang saya nila sa laki ng mga ngiti nila.

“Exploring the world and life has never been this good! Thank you for this beautiful ever-after with you @philip_evang_nyc!” caption ng aktres sa kanyang post.

Mukhang ngayon pa lang nagha-honeymoon ang dalawa na kinasal noong October last year.

“Creating core memories in Florence, Italy,” caption naman ng Nice Print sa mga litrato kung saan sila naka-tag na ang gaganda talaga ng mga kuha nila kaya maraming netizens ang kinilig.

Pinusuan ang mga litrato nila ng mga kaibigan at tagahanga nila.

Mas lalo nga raw gumaganda si LJ ngayon sa piling ng mister. Makikitang masaya siya roon at nahanap na ang kanyang forever. Halata raw in love na in love sila sa isa’t isa.

Sabi nga ng netizens ay blessings din ang mga pinagdaanan ng aktres na hindi rin madali sa mga dati niyang karelasyon. Pero hindi niya naman makikilala ang mister ngayon kundi dahil sa mga nangyari noon.

Ika nga ay everything happens for a reason. At blessing in disguise ang mga iyon.

Kaya iwasan na rin siguro na banggitin ang ex niyang si Paolo Contis dahil pareho naman na silang naka-move on na na masaya na rin kay Yen Santos ngayon.

Samantala, mukhang gumagawa na ng baby ang mag-asawa sa Italy.

Merong anak si LJ sa aktor na si Paulo Avelino na si Aki, at si Summer naman kay Paolo Contis na alaga ko.