Budol Alert ng TV5 eere na, pilipinas nanakawan ng mga scammer ng P1 billion
Laganap na ang isyu ng panloloko o ‘scams’ sa buong mundo. Halos $10.1 bilyon pala ang nawala sa US noong 2022, habang sa Pilipinas ay mahigit P1 bilyon ang ninakaw ng mga scammer. Noong 2023, tinaguriang panlima sa global scamming ang Pilipinas. Upang mapigilan ang paglaki ng ilegal na industriyang ito, uumpisahan ng TV5 ang […]
Laganap na ang isyu ng panloloko o ‘scams’ sa buong mundo. Halos $10.1 bilyon pala ang nawala sa US noong 2022, habang sa Pilipinas ay mahigit P1 bilyon ang ninakaw ng mga scammer.
Noong 2023, tinaguriang panlima sa global scamming ang Pilipinas.
Upang mapigilan ang paglaki ng ilegal na industriyang ito, uumpisahan ng TV5 ang Budol Alert, isang news at public affairs show na nakatuon sa iba’t ibang tactics at scam ng mga scammer sa Pilipinas.
Ang programang ito ay may tagline na Maging Alerto, Huwag Magpabudol kung saan papaalalahanan ang mga Pilipino na maging alerto sa iba’t ibang uri ng scamming tulad ng phishing, smishing, at mga online shopping scam.
Pinangungunahan ng beteranong broadcast journalist at News5 Head na si Luchi Cruz-Valdes, ipinakikilala ng Budol Alert ang komprehensibong pagkuha ng balita at pagkukuwento mula sa mga kabataan at maasahang miyembro ng News5 na sina Gio Robles, Shyla Francisco, Reiniel Pawid, Dave Abuel, Briane Basa, Jes Delos Santos, at Nikki De Guzman. Kasama rin sa programa ang mga beteranong mamamahayag ng News5 na sina Mon Gualvez, MaeAnne Los Baños, at Marianne Enriquez.
Naging parte ng News5 si Gio Robles noong 2022 at nag-cover na rin ito ng mga malalaking istorya tulad ng Socorro Cult at ang gulo na tungkol sa West Philippine Sea. Nakatanggap naman ng award bilang 2023 Broadcast Journalist of the Year (Agriculture) si Shyla Francisco mula sa PAJ SMC BINHI Awards.
Ang pitong taong reporter at news producer na si Reiniel Pawid ay nanalo ng 2022 Gandingan Award for the most development-oriented new story. Ang 12 taong karanasan ni Dave Abuel bilang news producer at reporter ay ibabahagi niya sa programa kasama si Briane Basa na host ng digital explainers ng COVID-19 at global affairs.
Gayundin ang mga kilalang news anchor ng Frontline Pilipinas Weekend at Gud Morning Kapatid na sina Jes Delos Santos at Nikki De Guzman.
Kasama rin sa programa ang mga beteranong news reporter na may 12 taong karanasan sa industriya at nanalo ng Gawad Pilipino Awards for Outstanding TV reporter noong 2023 na si Mon Gualvez. Ang senior correspondent sa loob ng 15 taon para sa News5, One News, One PH at anchor ng mga programa tulad ng Frontline Tonight, at nakatanggap ng 2019 Edward Murrow Fellowship for Journalists sa USA na si MaeAnne Los Baños, at ang reporter at producer ng news and public affairs sa loob ng 13 taon at nakatanggap ng 2014 Gawad Tanglaw Award for Best Public Affairs Program para sa programang Reaksyon na si Marianne Enriquez.
“With our new breed and award-winning pool of correspondents presenting eye-opening stories in each episode of Budol Alert, we help empower Filipinos with the right knowledge so that they are well-informed and protected from different kinds of frauds and scams, whether physical or online. This is our commitment, and we vow to dig deeper and make Filipinos smarter than these scammers,” ibinahagi ni News5 Chief and Budol Alert main host Luchi Cruz-Valdes.
Sa totoo lang, ang daming nabubudol sa kasalukuyan. Kaya very timely ang Budol Alert para matulungan ang karamihan sa style ng mga nambibiktima.