Melai, nilihim kahit sa pamilya ang bukol sa dibdib!
Noong Biyernes Santo ay naimbitahan si Melai Cantiveros ng Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel upang maging bahagi sa ginanap ng Seven Last Words o Siete Palabras. Dito ay naibahagi ng Magandang Buhay host ang kanyang karanasan kung saan ay sinubok umano ang kanyang pananampalataya sa Panginoon. “Isa sa […]
Noong Biyernes Santo ay naimbitahan si Melai Cantiveros ng Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel upang maging bahagi sa ginanap ng Seven Last Words o Siete Palabras.
Dito ay naibahagi ng Magandang Buhay host ang kanyang karanasan kung saan ay sinubok umano ang kanyang pananampalataya sa Panginoon. “Isa sa mga na-experience ko kaya nasambit itong, ‘Diyos ko, Diyos ko bakit Mo ako pinabayaan?’ May tumubo na bukol sa dede ko. Hindi siya kulani, sa bone part siya. Walang nakakaalam kahit ang anak ko, asawa ko o parents ko dahil ayaw ko silang malungkot, ma-stress. Kasi ako ang breadwinner sa aming family. Kung ako ay nai-stress, ayaw kong ma-stress din sila. Sinarili ko na lang at wala akong ibang pinagsabihan kung hindi Siya lang. Kapag nagdarasal ako nababanggit ko, ‘Bakit mo ako pinabayaan, Diyos ko?’ Humingi agad ako ng tawad kung bakit ko nasabi ‘yon.
“Hanggang sa kalaunan patuloy pa rin akong nagdarasal. Hanggang sa paulit-ulit kong tinanong, ‘Diyos ko, bakit ako may bukol?’ hanggang sa ang tanong ko ay naging motivation ko na alamin bakit nga,” kwento ni Melai.
Pagkatapos magdasal ay naisipan nang magpakonsulta ng aktres sa espesyalista noon upang malaman ang tunay na kalagayan ng bukol sa dibdib. Laking-gulat daw ni Melai nang magising isang araw. “Maniwala kayo sa hindi, hindi ko na ipinagdasal na mawala ang bukol ko. Ang ipinagdasal ko na lang ay bigyan ako ng peace of mind. After two months, in Jesus’ name, salamat talaga sa Panginoon. Siya talaga ang dahilan ng lahat ng ito, nawala ang bukol. Hindi pa ako umabot sa pag-check up. Grabe talaga, gumising na lang ako sa pagkapa ko, nawala ang bukol. God moves in mysterious ways. Nagtagumpay ako roon na Siya lang ang pinagsabihan ko,” pagdedetalye ng TV host.
Maraming mga natutunan si Melai dahil sa naranasang mga pagsubok. “Hindi ako nag-self pity. Natutunan ko roon na naging strong ang faith ko sa Kanya. Natutunan ko talaga na walang ibang resulta ang paghihintay kung hindi kabutihan. Natutunan kong iaalay ang buhay ko sa Kanya wholeheartedly na walang pag-aalala. Natutunan ko ang maging God-pleaser kaysa sa people-pleaser. Kasi minsan kahit hindi ko na kaya mapagbigyan ko lang ang tao sa paligid ko, kahit napapahamak na ang health ko. Ang dami kong natutunan sa pagsubok na ‘yon,” makahulugang paglalahad ng aktres.
Ronnie, pinagkakitaan ang mga hugot
Napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms ang cover ni Ronnie Liang ng kantang Para Lang Sa’yo.
Matatandaang naging hit song ni Ice Seguerra noong 2007 ang naturang kanta. “I feel so blessed dahil ipinagkatiwala sa akin ang song na ito. As an artist, I gave the song my own interpretation. It’s a great OPM song that celebrates love. I believe it’s every artist’s goal to inspire others to love or amplify the love they already have. There will be that one person who will come into your life to bring hope and open your heart to love again. I hope to be that kind of person. I am looking forward to inspiring more people through music which is my first love,” nakangiting pahayag ni Ronnie.
Ayon sa binata at talagang patok na patok sa mga Pinoy ang ‘hugot’ songs. Malaki rin umano ang kinita ni Ronnie dahil sa mga naunang ilabas na ‘hugot’ songs. “Ang uso kasi ngayon ay mga hugot na kanta. We just go with the flow and based sa mga previous produced songs ko, ang taas ng sales ko ng mga hugot songs. We offer our own music to satisfy our listeners, especially mga followers ko. Ang mga kanta naman usually magre-reflect siya or nagmi-mirror sa everyday lives natin sa mga experiences natin. Sa mga pinagdadaanan natin and it just shows that maraming mga kababayan natin, maraming pinagdadaanan sa kanilang mga puso. At least through music, nakakatulong,” pagbabahagi ng singer. (Reports from JCC)