Liza, protektado na sa Hollywood
Naging bahagi si Liza Soberano ng Screen Actors Guild na isang labor union sa Amerika. Isa ang aktres sa mga nagbida sa Hollywood film na Lisa Frankenstein kaya napabilang sa naturang unyon. “It basically means that you’re part of the union, and the union acts like an agency that protects actors in all shapes and […]
Naging bahagi si Liza Soberano ng Screen Actors Guild na isang labor union sa Amerika. Isa ang aktres sa mga nagbida sa Hollywood film na Lisa Frankenstein kaya napabilang sa naturang unyon. “It basically means that you’re part of the union, and the union acts like an agency that protects actors in all shapes and forms. It just means you have a community of people that are constantly there to help push you and find different opportunities,” pagbabahagi ni Liza.
Isang malaking karangalan para sa aktres na makadalo sa ginanap na Screen Actors Guild Awards sa Shrine Auditorium & Expo Hall sa Los Angeles, California kamakailan.
Nakahalubilo ni Liza ang ilan sa mga pinakasikat na Hollywood stars sa naturang event. “I was really excited just to be like amongst such incredible talent and to like see everybody in the flesh. Meryl Streep was there, Anne Hathaway and Oprah,” kwento ng dalaga.
Samantala, nakagawa si Liza ng isang campaign ad kasama si Dolly de Leon.
Ayon sa dalaga ay binigyan siya ng payo ng kapwa niya international actress. “She reminded me to stay true to myself and always stand by my values. As long as I keep that with me, I will go a long way,” pagtatapos niya.
Alden, umamin na may orig na nanay
Isa si Alden Richards sa mga labis na nalungkot sa pagpanaw ni Jaclyn Jose kamakailan. Hindi raw kaagad naniwala ang aktor nang pumutok ang balita tungkol sa sinapit ng premyadong aktres. “I was scrolling through social media. I saw photos and posts from unofficial accounts about tita Jane’s passing. I did not believe it. I stopped because there was a side of me afraid to confirm. But before I went to bed I got a text she passed. I didn’t reply. I was in denial. The next morning, I attended an early event. That moment, I looked at my phone, that’s when it got me already hard. I called Kuya Gab (Gabby Eigenmann), I told him how can I help you. ‘Nanay ko rin ‘yon eh.’ ‘Yon pinakamasakit,” pagdedetalye ni Alden.
Ayon sa aktor ay maraming naituro tungkol sa trabaho ang namayapang aktres. Nagsilbing inspirasyon din para kay Alden si Jaclyn. “Tinuruan niya ako magpasensya, maging hardworker. Isa siya sa rason kung bakit ko pinagbutihan ang pag-arte ko sa industriya. She is an inspiration,” giit ng binata.
Namatay ang tunay na ina ni Alden na si Rosario noong 2008 dahil sa sakit na pneumonia. Para sa aktor ay naramdaman niya ang pagmamahal ng isang ina kay Jaclyn noon. “I lost someone special. Ang hirap, para kong nanay iyan eh. My heart aches like a son because that was really how I felt. It was the same feeling I felt when I lost my real mom. I invited her sa premiere night of Family of Two. She texted me, she was very happy with my performance and nakakatawa sabi, ‘Huwag mo kakalimutan anak, ako pa rin original (na nanay mo),” kwento ng aktor. — Reports from JCC