Kontrobersyal aktres, 4 years old na ang anak

Ayaw pa rin kaming tigilan nitong kuwentong pagkakaroon ng anak ng isang kontrobersyal na aktres na malakas din sa social media. Madaling araw na akong tinawagan ng isang non-showbiz friend para ibalita lang meron daw palang anak itong si kontrobersyal na aktres sa dati niyang karelasyon na isa ring kilalang male celebrity. Sabi ko sa […]

Kontrobersyal aktres, 4 years old na ang anak

Kontrobersyal aktres, 4 years old na ang anak thumbnail

Ayaw pa rin kaming tigilan nitong kuwentong pagkakaroon ng anak ng isang kontrobersyal na aktres na malakas din sa social media.

Madaling araw na akong tinawagan ng isang non-showbiz friend para ibalita lang meron daw palang anak itong si kontrobersyal na aktres sa dati niyang karelasyon na isa ring kilalang male celebrity.

Sabi ko sa kanya, matagal ko nang nabalitaan ‘yan pero parang ayaw ko naman maniwala.

Sure na sure raw ang nagkuwento sa kanya dahil dati pala itong tao ng male celebrity na nakabuntis diumano kay kontrobersyal na aktres.

Idinetalye pa raw kung kailan nabuntis at kung paano nila naitago.

May bahay raw kasi si male celebrity sa Amerika at dinala raw doon si kontrobersyal aktres kasama ang kanyang pamilya.

Hindi lang daw sila sure kung doon ba sa Amerika nanganak ito o dito lang.

Lalaki raw ang anak nito at ang guwapo.

Kabi-birthday lang daw kasi nung bagets at ang tantiya niya, baka four years old o mahigit pa ang edad nito.

Hindi pa natuwa ru’n ang nagkuwento sa akin, ipinadala pa ang litrato ng bata ng parang kamukha nga ni kontrobersyal na aktres.

Naalala ko tuloy ang kuwento ni Aubrey Miles na nagawa niyang itago ang kanyang baby boy nung kasikatan niya.

Hindi talaga ito nalaman at mangilan-ngilan lang ang nakakaalam at naba-blind item lang. Pero tahimik lang talaga si Aubrey para lalong ‘di magkalkal.

‘Yun ang da best na gawin para hindi na lumaki ang isyu. Manahimik na lang at huwag nang patulan ang mga nagbabalita tungkol sa itinatagong katotohanan.

Pero Inamin din naman ni Aubrey sa bandang huli.

Alden, inulit na nawalan ulit ng ina

Hindi naitago ni Alden Richards ang nararamdaman niya sa pagpanaw ni Jaclyn Jose na isa sa itinuturing niyang nanay sa showbiz.

Dalawang drama series na nakasama ng Asia’s Multimedia Star ang premyadong aktres at naging close talaga sila.

Naalala pa raw niya nung inimbitahan niya si Jaclyn sa premiere night ng Family of Two, pinuri raw siya ng Nanay Jane niya at sinabi pang basta huwag kalimutan na siya pa rin ang original na nanay.

Ang mensahe niya sa namayapang aktres, “Tita Jane, paki-hello na lang po ako sa nanay ko diyan. Naulila na naman po ako ulit.

“Thank you for all the memories, and thank you for bringing out the best in me. I love you so much.”

Ramdam mo rin ang pangungulila kay Kylie Padilla na isa rin sa sobrang nabigla sa pagpanaw ni Jaclyn.

Imelda, gagawa rin ng musical play

Sa April 10 na pala ipalalabas ang pelikulang Loya­lista ni Imelda Papin.

Hindi pa raw niya alam kung ilang sinehan ang magsu-showing nito, pero sana tangkilikin daw dahil gusto niyang iparating na hindi ito political movie.

Pagkatapos ng pelikula na kung saan inilahad ang kuwento ng Asia’s Sentimental Songstress, bukas kaya si Imelda sa posibilidad na gawing musical play ang kanyang buhay at ang mga pinasikat niyang awitin?

“Definitely oo. Kasi I consider myself na isa ako sa blessed na entertainer or recording artist. Kasi hanggang ngayon, I finished showbiz for 45 years, and until now, narito pa rin ako, andiyan pa rin kayo, hindi nakakalimutan ‘yung songs ko,” saad ni Imelda.

Kung siya ang tatanungin, gusto niya ang anak niyang si Maffi Papin ang gumanap, pero natutuwa rin daw siya sa bagong singers na kinakanta ang mga awitin niya.

“Kumbaga, kahit saan ako magpunta, kapag nakikita nila ako, sumisigaw sila si Imelda, yumayakap sila.

“Natutuwa sila. Parang bago pa rin. Nakakatuwa talaga, Thank you, Lord,” dagdag niyang pahayag.

Open din siyang makipag-collaboration sa mga batang singers na nakikita naman daw niya kapag naggi-guest siya sa musical shows.

“Kahit sino. Sina Sarah (Geronimo) puwede,” sagot niya nang tinanong naming kung sino ang gusto niyang maka-collab.

“Ang mga songs ko, kinakanta ng mga bagong singers, mga recording artists.

“Napakaganda dahil natutuwa ako, dahil nari-recognize nila na there’s Imelda Papin that made it in the music industry,” masaya niyang pahayag.