Sarah, napuri sa ginawa kay Mommy Divine

Talagang sagad sa dulo ang love ni Sarah Geronimo sa nanay niyang si Mommy Divine. Kahit pa nga sabihing meron pang tampo ito sa kanya hindi niya kinalimutang mag-thank you dito nang tanggapin ang latest award niya. Isang bagay na talagang ipagkakapuri mo dahil kahit ano namang mangyari, ang nanay ay nanay at hindi puwedeng […]

Sarah, napuri sa ginawa kay Mommy Divine

Sarah, napuri sa ginawa kay Mommy Divine thumbnail

Talagang sagad sa dulo ang love ni Sarah Geronimo sa nanay niyang si Mommy Divine.

Kahit pa nga sabihing meron pang tampo ito sa kanya hindi niya kinalimutang mag-thank you dito nang tanggapin ang latest award niya.

Isang bagay na talagang ipagkakapuri mo dahil kahit ano namang mangyari, ang nanay ay nanay at hindi puwedeng kalimutan.

Dapat na rin siguro na kung anuman ang namamagitang tampo sa mag-inang Sarah at Divine kalimutan na at huwag nang pansinin.

Makikita namang masaya na si Sarah sa buhay may asawa sa piling ni Matteo Guidicelli.

At bilang isang ina, iyon lang naman siguro ang wish ni Mommy Divine.

Kaya naman kahit paano very touching na inialay pa rin ni Sarah ang award sa mother niya.

Patunay ito na talagang kahit minsan hindi niya kinalimutan ang naging ambag ng mother niya sa kinalalagyan niya ngayon. Gaya rin ng hindi puwedeng kalimutan ng isang ina ang pagmamahal sa isang anak.

Kaya nga double victory sa pamilya Geronimo, patunay ng husay at galing na taglay ng isang Sarah Geronimo, at patunay sa pagmamahal nito sa kanyang mommy Divine.

Bongga talaga at congratulations, our dear Sarah Geronimo. Clap clap clap.

Sanya, inalay ang star sa kanyang ‘tatay’

Ang bongga naman ng Kapuso actresss na si Sanya Lopez na nakatanggap ng star sa Eastwood Walk of Fame.

Binahagi ang kanyang mga litrato habang naka-pose siya sa tabi ng kanyang star kung saan inaalay niya ang kanyang achievement sa Master Showman na si German Moreno at Walk of Fame founder.

Tatay na ang turing niya rito at sinabing “tay you will always be a part of my achievements.”

Malaki raw ang tiwala nito sa kanya noon pa man at hindi raw magiging possible ito kundi dahil sa kanyang tatay na si Kuya Germs.