Kyla, marami nang karanasan sa miscarriage
February 24, 2024 | 12:00am Rich Alvarez, Toby at Kyla STAR/ File Hindi lang minsang naranasan ni Kyla na makunan. Noong Disyembre ay panglimang beses nang nawalan ng anak ang singer at asawang si Rich Alvarez. Hindi naging madali para sa mag-asawa ang kanilang mga nararanasan sa mga nagdaang taon. Sampung taong gulang na ngayon […]
February 24, 2024 | 12:00am
Rich Alvarez, Toby at Kyla
STAR/ File
Hindi lang minsang naranasan ni Kyla na makunan.
Noong Disyembre ay panglimang beses nang nawalan ng anak ang singer at asawang si Rich Alvarez. Hindi naging madali para sa mag-asawa ang kanilang mga nararanasan sa mga nagdaang taon.
Sampung taong gulang na ngayon ang nag-iisang anak nina Kyla at Rich na si Toby. Malaki ang pasasalamat ng singer sa pagmamahal na ipinararamdam sa kanya ng mag-ama.
Magla-labing tatlong taon nang kasal sina Kyla at Rich.
Ayon sa basketbolista ay talagang inilalaan na lamang nila sa nag-iisang anak ang kanilang buhay ng singer. “I guess raising our kid, our child is everything, pick our battles, what I want and what she wants, before we really, really fight. That’s what I really am,” maikling paglalahad ni Rich.
Dulce, mina-manifest ang collab nila ni Jose Mari
Limpampu’t isang taon nang aktibo si Dulce sa music industry.
Lubos na nakilala ang singer dahil sa mga awiting Ako Ang Nasawi, Ako Ang Nagwagi, Minsan Ang Minahal Ay Ako at Paano. Sa nakalipas na limang dekada ay hindi nagkaroon ng proyekto ang binansagang Asia’s Timeless Diva at si Jose Mari Chan. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Dulce na magkaroon sila ng kahit isang collaboration ng iconic singer.
Nagkrus na rin daw noon ang landas nina Dulce at Jose Mari sa isang charity event. “Ang favorite song ko sa kanya ay Refrain. No’ng kumanta siya, kinuha ko ‘yung mikropono, kumanta ako sa likod ng kurtina. Tapos lingon siya nang lingon, tapos masaya siya. Tinawag niya sa ako sa labas. You see, sabi ko, I can sing with you kahit hindi kayang nalulunod. ‘Yon pala ang fear niya noon,” nakangiting kwento ni Dulce.
Maituturing na isang institusyon si Dulce sa larangan ng pagkanta. Mayroong payo ang beteranang singer para sa mga kasamahan sa industriya. “Kung anong meron ka, alagaan mo. Kasi ‘yung abuses sa katawan, maniningil talaga kasi ang katawan natin after many years,” giit niya.
Isang espesyal na concert ang nakatakdang gawin ng Asia’s Timeless Diva sa March 8. Gaganapin ang Dulce, Solid! sa Music Museum. Ayon kay Dulce ay kakaibang mga areglo ang mapapakinggan sa kanya ng mga tagahanga rito. “May mga areglo dito na hindi pa nagawa before,” pagtatapos ng beteranang singer.
(Reports from JCC)