Robin, pinagre-resign!
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon February 24, 2024 | 12:00am Tinanggal na ni Mariel Rodriguez-Padilla ang Instagram video niyang nagu-Gluta Drip sa Senate office ng asawang si Sen. Robin Padilla. Pero patuloy pa rin siyang bina-bash sa iba pa niyang IG post. Wala pa rin siyang inilabas na statement kaugnay dito, […]
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon
February 24, 2024 | 12:00am
Tinanggal na ni Mariel Rodriguez-Padilla ang Instagram video niyang nagu-Gluta Drip sa Senate office ng asawang si Sen. Robin Padilla. Pero patuloy pa rin siyang bina-bash sa iba pa niyang IG post.
Wala pa rin siyang inilabas na statement kaugnay dito, pero hanggang kahapon ay trending pa rin ang hashtag #Mariel at karamihan ay pamba-bash pa rin sa kanya.
May ibang pumatol na at sinakyan ang isyung ito.
Nakita ko sa X na sinakyan ito ni Atty. Chel Diokno kung saan meron siyang research tungkol sa Gluta Drip na hindi pa rin daw ito FDA-approved.
May ibang netizens na binuhay ang dati pang isyung pagti-TikTok ni Aiko Melendez sa kanilang session hall sa Quezon City Hall.
Pero mas nag-focus sila sa bashing sa mag-asawang Sen. Robin Padilla at Mariel.
Kung ginawang barber shop daw ni Sen. Robin ang Senate hearing na kung saan ay sinusuklay niya ang kanyang bigote, ginawang salon naman daw ni Mariel ang Senate office, dahil sa paggu-Gluta drip nito.
Kaya dapat talagang mag-iingat ang kilalang celebrities sa kanilang ipinu-post, o kaya gumawa sila ng personal nilang social media account na hindi masyadong exposed sa publiko.
As of yesterday, wala pang inilabas na statement si Mariel o kahit si Sen. Robin Padilla.
Ang OA naman kasi ng ibang netizens, pinapag-resign agad si Sen. Robin sa Senado.
JC, hindi na komplikado ang buhay
Nakatakda nang i-showing sa March 6 ang pelikulang Apo Hapon na obra ni direk Joel Lamangan.
Ideya niya ang kuwento ng pagmamahalan ng isang Japanese girl na ginagampanan ng Japanese model na si Sakura Akiyoshi at JC de Vera.
Proud si direk Joel sa pelikulang ito dahil napaarte niya ang mga artista niya, lalo na itong si Sakura na ngayon pa lang gumawa ng pelikula sa Pilipinas.
Meron siyang unang ginawa, isang comedy film kasama si Empoy Marquez, pero ito ang unang ipinalabas.
Sa totoo lang, mala-teleserye ang kuwento nito, at isa sa pinuri namin ay ang role na ginampanan ni Lianne Valentin.
Magaling si Lianne dito, pero tila nabitin kami. Bigla na lang siyang nawala sa pelikula, at hindi na nakabalik bago mag-ending.
“Si Lianne kasi nagkasakit in the process during filming, kaya nawala siya. And I cannot anymore wait kasi bumagyo-bagyo. Baka hindi na naming matapos.
“So what we did, hanggang dun lang talaga ang nakunan namin. Meron pa siyang love story with Amogan (Marcus Madrigal). Hindi na nangyari kasi nagkasakit siya,” saad ni direk Joel Lamangan.
Nanghinayang din nga si Lianne, dahil ang bagay pa naman sa kanya ang role.
Samantala, natuwa si JC de Vera dahil finally natuloy na rin ang pagdirek sa kanya ni direk Joel Lamangan. Ang huling pelikulang nagawa niya ay ang Cinemalaya film na Bakit Di Mo Sabihin, kasama si Janine Gutierrez.
“This is very very much lighter,” pakli niya. Kaya wala raw pressure sa kanya.
Thankful si JC dahil nababalanse na raw niya ngayon ang buhay niya, dahil sa suporta ng kanyang asawa.
Ang kainaman lang nito, hindi taga-showbiz ang asawa niya, kaya less intriga at maayos daw ang kanilang pagsasama.
Hindi raw sila napi-pressure sa mga balitang mga naghihiwalay.
“My life right now is very balanced. Kapag walang trabaho, sa bahay lang with my family. Life is simple. Not so much happenings… and then nag-spend time together with them,” saad ni JC de Vera.