Pagpapa-drip ni Mariel sa senado, tumanggap ng grabeng backlash!

JUST ASKING – Leon Guerrero – Pilipino Star Ngayon February 24, 2024 | 12:00am Grabe ang backlash ng pagpapa-IV Drip ni Mariel Rodriguez sa opisina ng asawa niyang senador na si Robin Padilla. Hindi ba nila alam na work area ‘yun? ‘Yan ang comment ng mga tao – na reminder na mag-ingat na lang ang […]

Pagpapa-drip ni Mariel sa senado, tumanggap ng grabeng backlash!

Pagpapa-drip ni Mariel sa senado, tumanggap ng grabeng backlash! thumbnail

JUST ASKINGLeon Guerrero – Pilipino Star Ngayon

February 24, 2024 | 12:00am

Grabe ang backlash ng pagpapa-IV Drip ni Mariel Rodriguez sa opisina ng asawa niyang senador na si Robin Padilla.

Hindi ba nila alam na work area ‘yun?

‘Yan ang comment ng mga tao – na reminder na mag-ingat na lang ang mga pamilya ng public officials sa proper demeanor lalo na sa public places.

Malamang naman na Mariel didn’t have any ill intention.

Pero kailangan ba talagang gawin ‘yun dun? More so, kailangan ba talagang i-post?

Lesson learned!

Sky-PLDT deal, napulitika?

Palaisipan pa rin ang hindi pagkakatuloy ng Sky-PLDT Deal?

Nang makausap natin ang isang in-the-know, ang sabi ay sound decision naman daw ‘yun dahil hindi raw pantay ang estado ng dalawa: isang Fiber at isang Copper.

Lugi talaga ang PLDT sa deal kung sakali.

Sayang lang kasi maraming magandang puwedeng puntahan sana ang perang ‘yun ng ABS-CBN Group kung sakali.

At may dagdag pang interesanteng tanong – may kinalaman pa kaya ang pulitika sa nangyaring ito?

Hayyyy, ang hirap ng mga anggulong ganu’n ‘di ba?

Sayang din ‘no, kasi ‘yung extra money sana ay para sa pagpapaganda pa ng Kapamilya productions.

Kasi comparatively, nag-iisang namamayani sa audience share ang Kapuso network kaya imbes na gumastos ng malaki, totoo bang naka-set na ang kanilang budget lalo na sa mga afternoon shows kasi wala namang kumpetisyon?

Sayang kasi kung may malakas na katapat, lalo pang mag-e-effort sa pagbusisi ng shows, pero kung replay naman ang kalaban mo, ang iniisip na lang ay – what for?

Pero ang isang tanong – bakit nga ba iilan lang ang Kapuso shows na nabibili ng Netflix compared sa Kapamilya tie-up like Can’t Buy Me Love?

Good question ‘di ba?

Karen, kapatid na?!

Totoo ba na gusto ng taga-MVP Group na mapasakanila ang mga nawalan ng work from CNN Philippines?

Kasama raw sa wishlist nila sina Rico Hizon, Pinky Webb at Ruth Cabal.

Bakit ‘di kasama si Pia Hontiveros?

At totoo ba na may pag-uusap ng pagiging Kapatid ni Karen Davila?

Abangan!

EDSA, relevant pa ba?

38th Anniversary ng EDSA this weekend, pero ang tanong, relevant pa ba ang EDSA Revolution lalo na sa kabataan ngayon at lalo pa’t ang pamilya ng dating pinatalsik na lider ang siyang nasa kapangyarihan ulit ngayon?

May pagdiriwang pa rin daw sa EDSA Shrine bukas, Linggo – pero gaano kaya ka-effective ito kung sakali?

Nakakata-quote:

“My heart is overflowing with Joy. Perfectly matched.”– Sylvia Sanchez on the Zanjoe Marudo-Ria Atayde engagement