Jericho, enjoy na sa ‘love team’ nila ni Kathryn; mga celebrity todo bakasyon nung Semana Santa, Melai pinatotohanan ang power ng dasal
Parang walang masyadong celebrity na nag-post na nasa simbahan sila o nag-Visita Iglesia nitong katatapos na Semana Santa. Usually ang post nila ay ang kanilang bakasyon o ang mga endorsement. Karamihan sa kanila ay sinamantala ang Holy Week para magbakasyon sa ibang bansa o out of town na kung sabagay ay lagi na nilang ginagawa. […]
Parang walang masyadong celebrity na nag-post na nasa simbahan sila o nag-Visita Iglesia nitong katatapos na Semana Santa.
Usually ang post nila ay ang kanilang bakasyon o ang mga endorsement.
Karamihan sa kanila ay sinamantala ang Holy Week para magbakasyon sa ibang bansa o out of town na kung sabagay ay lagi na nilang ginagawa.
Anyway, si Kathryn Bernardo ay ang kanyang birthday celebration ang last post at mga endorsement niya. “WHAT A DAY! Didn’t want it to end. Keeping these moments in my core memory forever.
“Thank you for making this my happiest birthday to date. Cheers to 28! ,” sabi ng actress sa kanyang Reel video na of course ay ‘sinakyan’ na rin ni Jericho Rosales at nag-comment ng “Makiki-core memory kami ni @manalojohn on repeat,” dahil isa siya sa mga andun sa party.
Diumano’y may pagtatambalan kasi silang pelikula.
Si Bea Alonzo ay nag-Korea. “Hello from Korea!! I got curious about this library in the middle of Seoul and decided to check it out. It’s so beautiful and filled with people pretending to read for the gram, myself included,” habang nasa Starfield Library.
Nag-Korea rin si Nadine Lustre at boyfriend niya. “Korea is cute,” aniya sa isang post kalakip ng mga tourist spot na pinuntahan nila ni Christopher Bariou, karelasyon niya.
Si Anne Curtis kasama ang family ay nag-Taipei, Taiwan. Nag-food trip sila ng mister, Erwan Heussaff, and daughter, Dahlia.
Ang iba naman ay totally walang post.
Majority nga ata sa mga celebrity ngayon ay Christian at hindi na pumapasok ng simbahan or ‘di lang siguro pino-post.
Walang post si Kim Chiu pero kilala siyang deboto ni Padre Pio.
Ganundin si Shaina Magdayao.
Pero si Melai Cantiveros ay nagbigay ng testimonya noong Good Friday na may nakapang lump o bukol sa kanyang breast pero dahil sa dasal ay gumaling ito pagkatapos ng dalawang buwan.
Aniya ang Diyos lang ang nilapitan niya at wala siyang ibang pinagsabihan that time ayon sa kanyang testimony sa National Shrine of Our Lady of Mount Carmel sa Quezon City. “God moves in mysterious ways kasi wala akong pinagsabi eh. Nag-tagumpay ako doon na siya lang ang nilapitan ko,” sabi niya.
Dagdag niya sa post “Thank you Jesus sa buhay mu na inalay sa amin. Have a Blessed Good Friday Everyone.”