Katrina, susubok sa tortang talong
Sabi nga nila, maraming kuwentong pag-ibig ang nabubuo mula sa pagkain. Ngayong Linggo (March 31), tuklasin ang iba’t ibang putahe ng pagmamahal sa espesyal na handog ng GMA Public Affairs na Recipes of Love. Sa naturang drama special, tiyak bubusugin ng Recipes of Love ang mga manonood sa mga kuwentong hango sa tunay na buhay […]
Sabi nga nila, maraming kuwentong pag-ibig ang nabubuo mula sa pagkain. Ngayong Linggo (March 31), tuklasin ang iba’t ibang putahe ng pagmamahal sa espesyal na handog ng GMA Public Affairs na Recipes of Love.
Sa naturang drama special, tiyak bubusugin ng Recipes of Love ang mga manonood sa mga kuwentong hango sa tunay na buhay at pagbibidahan ng ilan sa mga kilalang aktor ngayon.
Para sa unang recipe, susubukan nina Kapuso actress Katrina Halili at sought-after Sparkle actor Martin del Rosario na ipaglaban ang kanilang pag-ibig sa Tortang Talong with Tuna.
Single mother of two si Gemmalyn (Katrina). Nagsusumikap siya na palaguin ang maliit niyang karinderya para sa mga anak. Likas na mahilig magluto si Gemmalyn, kaya maging sa pagtitinda ay nag-iimbento siya ng simpleng mga recipe na binabalik-balikan ng kanyang mga customer.
Isa sa mga sikat niyang lutuin ang tortang talong na may tuna.
Sa karinderya niya rin nakilala ang kanyang kasintahang si Jonathan (Martin) na suki ng mga luto niya. Noong una ay bumibili lang ng ulam si Jonathan kay Gemmalyn, hanggang sa naging malapit ang loob ng dalawa.
Malaki ang pasasalamat ni Gemmalyn na nabiyayaan siya ng lalaking tinanggap ang pagkatao niya. Tanggap kasi ni Jonathan pagkakaroon niya ng dalawang anak.
Pero si Jonathan pala, mula sa mayamang pamilya na malawak ang mga lupain sa probinsya. Nang pinakilala ni Jonathan sa kanyang pamilya si Gemmalyn ay tumututol agad ang mga ito. Niyurakan nila ang pagkatao ni Gemmalyn at pilit nilang inilalayo kay Jonathan.
Kakayanin bang tiisin ng magkasintahan kung sukdulan na ang pagpapahirap sa kanilang dalawa?
Mapapanood ang unang putahe nito ngayong Linggo, March 31, bago ang The Atom Araullo Specials sa GMA Network.
Abangan din ang pangalawang kuwentong ihahain sa May 19 tampok naman sina Max Collins at Luis Hontiveros.
Maaari ring mapanood ng Global Pinoys ang Recipes of Love sa GMA Pinoy TV.