Marian, nangapa sa ‘Guardian Alien’
Hindi itinanggi ni Marian Rivera na nangapa siya sa pagbabalik sa teleserye via My Guardian Angel after five years. “Nangapa talaga ako. Ang hirap mag-memorize ng lines, pero dahil sa tulong ng mga tao sa paligid ko, naging madali sa akin ang trabaho ko,” kumpisal ng Box-Office Queen na Primetime Queen din ng GMA 7. […]
Hindi itinanggi ni Marian Rivera na nangapa siya sa pagbabalik sa teleserye via My Guardian Angel after five years. “Nangapa talaga ako. Ang hirap mag-memorize ng lines, pero dahil sa tulong ng mga tao sa paligid ko, naging madali sa akin ang trabaho ko,” kumpisal ng Box-Office Queen na Primetime Queen din ng GMA 7.
At sinabi niya talaga na kinausap niya ang GMA 7 na ‘wag na siyang bigyan ng mabibigat na role.“Sabi ko ‘yung soap na hindi ako mahihirapan kasi pag-uwi ko ng bahay pagod na ako,” natatawa niyang chika noong media conference ng My Guardian Alien with Gabby Concepcion kasama ang buong cast ng series.
Dagdag niya “Bukod sa maganda ang kuwento nito, sa sobrang dali, wala akong lines minsan. Kasi alien ako. So naging madali para sa akin.
“At sabi ko nga ito ‘yung nilo-look forward ko, ‘yung makagawa ng magandang proyekto na mapapanood ng mga anak ko, na magiging proud sila at proud akong sabihin na nakagawa ulit ako ng isang pamilya dahil sa show na ito. So lahat ito ay blessing para sa akin,” dagdag ni Yan.
Dinirek ito ng award-winning director Zig Dulay.
Maraming beses hindi natuloy ang pagtatambal nina Gabby at Marian, tama ba limang beses naudlot?
Makakasama rin nila rito si Raphael Landicho, Max Collins at marami pang iba.
Magsisimulang mapanood sa April 1 ang My Guardian Alien, 8:50 p.m. sa GMA Prime.