Cristy Fermin, inaming sila ang kinasuhan ng cyber libel ng mga magulang ni Sarah
Ah si Nay Cristy Fermin pala ang kinasuhan ng cyber libel ng parents ni Sarah Lahbati na sina Abdel at Esther Lahbati. At ang beteranang talk show host ang umamin tungkol dito. “Tutal sa kanya na rin naman po ito nanggaling, kami na po ang kukumpirma. Kami pong tatlo ang idinemanda ng cyber libel ng […]
Ah si Nay Cristy Fermin pala ang kinasuhan ng cyber libel ng parents ni Sarah Lahbati na sina Abdel at Esther Lahbati.
At ang beteranang talk show host ang umamin tungkol dito.
“Tutal sa kanya na rin naman po ito nanggaling, kami na po ang kukumpirma. Kami pong tatlo ang idinemanda ng cyber libel ng mag-asawang Abdel at Esther Lahbati,” ani ‘Nay Cristy kasama ang co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez para sa kanilang online show sa YouTube.
“Hindi na po namin idedetalye pa ang mga dahilan kung bakit kasi ang abogado po namin – sina Atty. Ferdie Topacio at Atty. Ralph Andrada — ang nakakaalam po ng mga detalye nito,” dagdag niya.
Nag-umpisa na pala ang hearing at na nagkaharap na raw sila minsan ni Aling Esther sa piskalya ng Quezon City.
Kamakailan nga ay nag-post ang nanay ni Sarah sa Instagram na nasa DOJ sila.
Caption ng nanay ni Sarah, “Finally na post ko na rin itong picture na to taga rito ako sa Philippines ngayon lang ako naka pag pa picture dito sa DOJ.”
At doon nag-umpisa ang pahulaan.
Iba’t iba ang hula at baka raw kaugnay ito sa process ng annulment nina Sarah at Richard Gutierrez, pero ito pala ‘yun.
Beterana na si Nay Cristy sa libel kaya kering-keri niya ‘yan.
Tirso, wala pang kapalit
Wala pa ring ina-appoint na bagong chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) matapos bakantehin ng veteran actor Tirso Cruz III na naglabas ng statement kahapon sa kanyang pagre-resign. “This is not the end. I may no longer be the Chairperson, but I will always be a part of the FDCP. I will continue to support the Philippine film industry as an actor and as private citizen,” pahayag niya sa statement.
Kasalukuyang officer-in-charge si Rica Arevalo.