Kim, magpapasikat sa Cinema One

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon April 2, 2024 | 12:00am Kilig, drama, at katatakutan ang hatid ng multimedia idol na si Kim Chiu sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Abril. Saksihan ang Kapamilya actress bilang ang nerd na si Tori sa Must Date The Playboy  (Abr. 1), mapagmahal na si Zyra […]

Kim, magpapasikat sa Cinema One

Kim, magpapasikat sa Cinema One thumbnail

Kim, magpapasikat sa Cinema One thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

April 2, 2024 | 12:00am

Kilig, drama, at katatakutan ang hatid ng multimedia idol na si Kim Chiu sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Abril.

Saksihan ang Kapamilya actress bilang ang nerd na si Tori sa Must Date The Playboy  (Abr. 1), mapagmahal na si Zyra sa One Great Love  (Abr. 2), mistress na si Ina sa Etiquette for Mistresses (Abr. 3), paranormal expert na si Carmel sa DOTGA: Da One That Ghost Away (Abr. 4), at networking agent na si Anya sa All You Need is Pag-ibig  (Abr. 5) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Kilig overload naman ang hatid ng Monday Drama ng Cinema One dala ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig at lugar na swak ngayong tag-init. Balikan ang Kailangan Kita nina Aga Muhlach at Claudine Barretto (Abr. 1) na kinuhanan sa Albay, Forever and a Day nina Sam Milby at KC Concepcion (Abr. 8) na tampok ang Cagayan De Oro at Bukidnon,  When Love Begins nina Anne Curtis at Aga Muhlach (Abr. 15) na pinakita ang ganda ng Boracay, Don’t Give Up on Us nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos (Abr. 21) na hatid ang ganda ng Baguio at Sagada, at Kasal nina Bea Alonzo at Paulo Avelino (Abr. 28) na kinuhanan naman sa Cebu. Tampok ang mga pelikulang ito tuwing Lunes, 9pm.

Samantala, marami rin pwedeng idagdag sa bucketlist ng summer destinations dahil tampok ang must-travel, must-love films sa Blockbuster Sundays ng Cinema One na mapapanood tuwing Linggo, 7pm.

 Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers.