Beauty, kontra pa sa pagso-showbiz ng anak

MANILA, Philippines — Malaki talaga ang potential ng daughter ng aktres na si Beauty Gonzalez na si Olivia. Pero para pala sa aktres ay hindi pa ito ang tamang oras. Nang tanungin siya kung artista in the making na ba ang anak nila ng art curator na si Norman Crisologo ay hindi pa raw siya […]

Beauty, kontra pa sa pagso-showbiz ng anak

Beauty, kontra pa sa pagso-showbiz ng anak thumbnail

MANILA, Philippines — Malaki talaga ang potential ng daughter ng aktres na si Beauty Gonzalez na si Olivia.

Pero para pala sa aktres ay hindi pa ito ang tamang oras.

Nang tanungin siya kung artista in the making na ba ang anak nila ng art curator na si Norman Crisologo ay hindi pa raw siya ready.

Kamakailan ay binahagi ni Beauty ang pag-cameo ng anak sa upcoming film niyang Paquil kung saan makakasama niya ang aktor na si JM de Guzman.

Para raw sa kanya ay maganda na nasubukan at naranasan nito ang maging isang aktres na tulad niya dahil naintindihan na raw nito ang pakiramdam niya tuwing uuwi siyang pagod at stressed na tila ginaya pa ang pagkasabi niya.

Hindi nga raw basta cameo lamang ang ginawa nito dahil napaarte raw talaga ito sa heavy crying scene at may linya pa na pinagmalaki ng Stolen Life actress.

Young version niya pala ang anak sa pelikula na talaga namang bumagay dahil magkamukha ang mag-ina at lutang na agad ang ganda ng bagets.

Mukhang na-enjoy ni Olivia ang pag-arte at mukhang hindi ito ang huling pagkakataon na aarte siya.

Baka nga sundan din niya ang yapak ng ina. Bongga.

Sa ngayon daw ay sinabihan niya muna itong bumalik muna sa pag-aaral.