Piolo pinagmalaki, Inigo pumasa sa audition sa Hollywood
Isa ang pelikulang Mallari na pinagbidahan ni Piolo Pascual sa mga pumatok sa takilya sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023. Si Piolo rin ang nakasungkit ng Best Actor award para sa naturang pelikula sa kauna-unahang Manila International Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California kamakailan. Ngayon pa lamang ay kabi-kabilang proyekto na umano […]
Isa ang pelikulang Mallari na pinagbidahan ni Piolo Pascual sa mga pumatok sa takilya sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023.
Si Piolo rin ang nakasungkit ng Best Actor award para sa naturang pelikula sa kauna-unahang Manila International Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California kamakailan.
Ngayon pa lamang ay kabi-kabilang proyekto na umano ang natatanggap ng aktor para sa MMFF 2024. “Marami na pong nagse-send ng scripts for consideration for the upcoming MMFF. But there is one project that we are zooming on, sana makasali. Hindi ko alam kung kasama ako sa cast, pero I still want to be part of the film festival on its 50th year. Sana makapag-participate tayo. Sana matanggap ‘yung pelikulang gagawin natin,” pagbabahagi ni Piolo.
Samantala, suportado ni Piolo ang lahat ng mga ginagawa ng anak na si Inigo Pascual. Matatandaang nakabilang ang binata sa international series na Monarch. Maraming auditions na raw ang dinaluhan ni Inigo para sa iba’t ibang Hollywood projects. “Sine-send niya sa akin ‘yung mga audition tapes niya, mga reels niya. And ‘yung last audition niya, natanggap siya. Nakakatuwa kasi he’s doing his own thing. And at the same time, he has businesses on the side as well. Ito talaga ‘yung gusto ng bata. Umaarte, kumakanta rin. He has my support through and through,” paglalahad ng aktor.
Alden, tanggap ang pagkatalo sa DongYan
Tumabo nang husto sa takilya ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong 2019. Mula noon ay naging malapit na magkaibigan na ang dalawa. Ayon kay Alden ay masaya siya para sa lahat ng nangyayari kay aktres ngayon. “Nakakatuwa na I’m really seeing her parang coming out of her shell. Kita mo sa kanya eh, it manifests. The photos and videos that we see and the projects that she has been doing really says a lot about her state of mind right now. And the condition of her life right now, she deserves that. Nakakamusta naman natin siya and at the same time naman, ‘yung friendship never naman nawala ever since,” makahulugang pahayag ni Alden.
Noong Enero lamang ay naideklarang ang pelikulang Rewind na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ang highest grossing film of all time. Wala umanong problema kay Alden kahit nahigitan ng bagong pelikula ang kinita ng kanilang ginawa ni Kathryn noon. “It’s not really a feeling of defeat but more on gumaganda and kalidad ng pelikulang Pilipino. And that’s enough reason for all the producers and filmmakers to really make quality films. Kapag pinakita natin na maganda ang isang proyekto, tatangkilikin po talaga siya. That’s why I’m very happy happy for Kuya Dong and Yanyan. Of course, Star Cinema and Direk Mae (Cruz-Alviar) for being able to produce another masterpiece,” paliwanag ng aktor.
Umaasa si Alden na makagagawa pa ng mga pelikulang maganda ang kalidad. Para sa binata ay talagang kailangan ng mga manonood ng magagandang proyekto upang mapanatili ang sigla ng movie industry. “’Yon lang naman po ang hinihiling ng Filipino audience eh, something worth watching. So, let’s give them that. Let’s not deprive the Filipino audience of the things that we are capable of doing,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)