Ervic Vijandre wala pa sa planong mag-asawa, gusto lang magkaanak
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon March 4, 2024 | 12:00am Ayaw pa-pressure ng cager / actor / politician na si Ervic Vijandre na mag-asawa kahit 40 years old na siya. Ayon sa kasalukuyang councilor ng San Juan, lalaki naman siya kaya parang walang time element kumbaga. “Sabi nga ng mommy ko, […]
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon
March 4, 2024 | 12:00am
Ayaw pa-pressure ng cager / actor / politician na si Ervic Vijandre na mag-asawa kahit 40 years old na siya.
Ayon sa kasalukuyang councilor ng San Juan, lalaki naman siya kaya parang walang time element kumbaga.
“Sabi nga ng mommy ko, huwag akong ma-pressure kasi nga lalaki naman ako.”
Pero wala ka pang anak out of wedlock?
“Wala, pero sabi nga ng mommy ko gusto lang niyang magkaapo na. So ‘yung babae ‘yung pwede pang mabuntis,” kuwento niya nang maka-chika naman recently sa event ng Beautederm Corporation kung saan isa siya sa mga ambassador nito.
Medyo hirap lang daw siya dahil nga wala siyang oras sakaling magka-girlfriend ulit.
Oras ang naging problema nila ng ex-girlfriend dahil first timer siya sa pulitika kaya naging priority niya raw ito.
“So inisip ko, siguro kasi minsan ‘yung mga babae gusto nila sila ‘yung uunahin mo, sila ‘yung ano mo… E kagaya po nung nanalo ako (as San Juan councilor), sa speech ko talaga every barangay na pinupuntahan ko sabi ko, wala po akong asawa, wala po akong anak. So sabi ko, ‘pag pinagbigyan ninyo po ako, iaalay ko po talaga ang aking sarili sa pagseserbisyo.
So hindi mo napa-prioritize ang lovelife?
“So nung nanalo po ako, nagka-girlfriend ako. Nung nagka-girlfriend ako hindi niya maintindihan sabi niya, ‘bakit ba labas ka nang labas’ kasi kunwari may namatayan makikiramay ako, may birthday. Sabi niya, ‘kilala mo ba ‘yung may birthday?’
“’Sabi ko hindi kailangan ko, social obligation ko ‘yun ‘di ba na makisaya, makiramay mga ganyan. Hindi nila maintindihan sabi niya, ‘araw-araw ka nang nasa opisina wala na tayong time.’ Nakakatawa man sabi ko, sinabi ko kasi inalay ko ‘yung sarili ko sa kanila tapos sabi ko, ‘support mo na lang ako.’ So ang ending? Nag-break kami kasi nagseselos, ganyan.”
After that wala na uli? “Wala na.”
Sa ngayon daw ay ini-enjoy niya ang pagiging pulitiko.
“Syempre nandun po ako sa… bago pa lang ako so nag-e-enjoy ako sa kung anong meron ako ngayon.
“First term ko lang po. Pero syempre gaya ngayon kahit saang career nag-aambisyon ka na ma-promote or maano ‘diba. Pero sa ngayon po masyado po akong hilaw para sabihin ko ‘yung mga ganong bagay, ‘yung mas mataas na posisyon. Baka sabihin, wala ka pang napapatunayan, wala ka pang… ‘di ba. So nandoon naman ako, rumerespeto naman ako,” paliwanag niya pa.