Vice, may isyu ng plagiarism sa opening ng Showtime!
Can’t get over the It’s Showtime pilot show in GMA 7. Somehow it has set the standards in mounting special shows with a stellar cast, great talent and production values. Challenge ‘yan sa GMA 7 shows like All-Out Sundays at TikToClock na nangangailangang iangat ang level ng pag-e-entertain tulad ng ginawa kahapong Gay Beauty Contest […]
Can’t get over the It’s Showtime pilot show in GMA 7.
Somehow it has set the standards in mounting special shows with a stellar cast, great talent and production values.
Challenge ‘yan sa GMA 7 shows like All-Out Sundays at TikToClock na nangangailangang iangat ang level ng pag-e-entertain tulad ng ginawa kahapong Gay Beauty Contest na naman?
Samantala, iniisyuhan si Vice Ganda ng isang Lolito Go na “Vice na nangopya ng speech kay Darryl Yap?” Heto ang sabi:
“Ipahinga na natin ang isyung Shaira vs. Lenka. Ito na ang bagong issue. Vice Ganda, nangopya ng speech kay Darryl Yap? Kahapon, kinabog ni Vice Ganda ang madlang pipol sa opening salvo nya sa debut episode ng It’s Showtime sa GMA 7. Napanood ko yun nang live at hindi ko maiwasang mapansin yung semblance nito sa isa sa mga paborito kong piyesa ng kaibigan kong direktor.
Here’s my take.
1. Panoorin nyo nang buo yung side-by-side comparison sa dalawang speeches. Unmistakable yung resemblance ano? Binalasa lang yung mga salita pero almost the same ang thoughts, delivery, pati yung heroic music almost identical.
2. Kaya ba “Vice” lang sya? Pumapangalawa lang, sumesegunda? Hindi magandang pambungad ito para sa historic na pagtawid-bakod ng Showtime sa GMA7.
3. In fairness, Vice Ganda (Jose Marie Visceral in real life) rose to fame because of her wit, originality and spontaneity. Self-made sya and no one can argue against that fact. And because of her charm and chutzpah, she has grown bigger and bigger in time. Hindi na mabilang ang projects and endorsements. I can only guess na hindi na kaya ng oras nya ang magmultitask; she would need a team. Which can also mean na baka hindi na sya ang nagsusulat ng ibang speeches or sketches nya.
4. Whoever wrote Vice’s monologue can’t convince me na hindi nyo napanood ang monologue ni Darryl Yap na “Buo” na 2020 pa nabuo. Kuhang kuha kasi pati yung pacing, yung theatrics. Kung may writer nga si Vice, maybe it’s time to do some auditing. Baka kasi marami nang iba pang ginagaya, nakakalusot lang. Pero kung si Vice mismo ang sumulat nito, I would assume that she secretly admires the work of Darryl. Maybe it’s just a case of “cryptomnesia.”
5. Of course I don’t discount the possibility na coincidence lang ito. Freak coincidence. However slim the chances are, pwede pa ring nagkataon lang talaga ang lahat.
Nagkataon lang na parehas ng content, parehas ng delivery, parehas ng pacing, parehas ng theatrics, parehas ng music.
Almost parehas pa nga ng boses eh.
6. Well, marami rin naman talagang pagkakaperahas sina Darryl at Vice.
Parehas silang galing sa LGBTQIA community. Parehong nanggaling sa hirap.
Parehong mapagmahal sa kaibigan at pamilya. Parehong nakatanggap ng maraming rejections. Parehong witty, funny at gutsy.
Parehong opinionated. Parehong kayod kalabaw. (Or kabayo.) Parehong bumangon at nagpakabuo. Parehong nagtagumpay. At baka dahil sa mga pagkakaparehong ito, may tendency rin talaga na iisa lang ang maging tenor ng mga talumpati nila. Iisa ang hugot, iisa ang baon.
7. So balik tayo sa tanong. Nangopya nga ba si Vice kay Darryl?
Kung ako ang tatanungin, mahirap ideny yan.
Pero plagiarism ba, copyright infringment? Or course not. Hindi naman kopyang kopya ang mga kataga. I wouldn’t go as far as accusing Vice Ganda or her writers of plagiarism. Idea or concept lang naman ang ginaya. And I know very well na ideas and concepts are generally not protected by copyright.
Copyright protects the specific way an idea is expressed, not the underlying idea itself.
This means that two different people can have the same idea, but as long as they independently create their own original expression of that idea, there is no copyright infringement.
Wala ngang copyright infringement, walang krimen. But just because it isn’t criminal doesn’t mean it’s not unethical.
Unethical pa rin ang mangopya ng idea. Kung manggagaya, magpaalam sa pag-gagayahan. O kaya naman, give proper credits.
Ano lang ba yung ilagay na “inspired by?”
8. Sa kabila ng lahat, I still believe that Vice does great in her own league. At iba rin ang liga ni Darryl. Bakit hindi na lang sila magcollab?”
Ang lakas din ng loob nitong si Lolito Go, pagkatapos manita, heto’t nag-i-instigate ng collab with Vice at ng idol niyang si Darryl Yap?
Sa tingin niyo kakagat si Vice Ganda, o papatulan niya ito?
Sparkle, nilangaw sa Canada?!
Anyare sa Sparkle Goes To Canada? Bakit puro BTS ng lamyerda ng mga supposedly prime talents ng network ang inilalabas – bakit walang audience shots o actual claims na sold out ang palabas?
May nagbalita sa ating mga kababayan doon na “Mahina po ang show. Maraming tickets ang di nabenta” na ayaw na lang magpakilala.
Ano kaya ang nangyari?
Totoo kaya ang sinasabi na hilaw pa ang mga Sparkle talents na mag-concert nang ganito dahil wala pa sila masyadong paying audience?
Ang comment nga ng reporters kung mga pelikula nga nila ay hindi kumikita, itong concert pa kaya?
Sana raw nag-fans’ day na lang sila nang libre. Kailangan talagang mag-double time ang mga taga-Sparkle na lalo pang paningningin ang kanilang stars para tunay silang maging bankable, ‘di ba?
Tessie, na-senior moment ang pangalan
Senior Moments ang magiging first offering ng A&S Productions tampok sina Noel Trinidad, Nova Villas at Tessie Tomas to be directed by Neal Buboy Tan. Pero hindi kaya na-senior moment din ang gumawa ng tarpaulin at ginawang Tessy ang dapat na Tessie?
Naalala namin si Cherry Pie Picache na karaniwang pino-point out na kung sa iba maliit na bagay lang ito, pero silang may pangalan, big deal ito – kasi pangalan nga eh, mano bang itama na lang lagi ‘di ba?
Nakakata-quote:
“No Reaction. NR” – Sarah Lahbati on the Richard Gutierrez-Barbie Imperial item