Melai, wish na magka-baby boy
Noong Sabado ay ipinagdiwang ni Melai Cantiveros ang kanyang ika-tatlumpu’t anim na kaarawan. Isang surprise party ang inihanda ng mga malalapit na kaibigan ng aktres. “Na-touch ako. Ngayong matanda na ako parang hindi na ako masyado na birthday ko ba. Pwede na lang lumipas ‘yung birthday ko pa. Parang gusto ko na lang na peaceful […]
Noong Sabado ay ipinagdiwang ni Melai Cantiveros ang kanyang ika-tatlumpu’t anim na kaarawan.
Isang surprise party ang inihanda ng mga malalapit na kaibigan ng aktres. “Na-touch ako. Ngayong matanda na ako parang hindi na ako masyado na birthday ko ba. Pwede na lang lumipas ‘yung birthday ko pa. Parang gusto ko na lang na peaceful ‘yung birthday mo. Nakakahiya na mag-birthday-birthday pa. Ang pakiramdam ng 36 (years old) ay alam mong peace of mind ang best gift to yourself. Una si Lord, nagbibigay ng peace of mind. Number 2 is my family, Jason, Mela and Stella, mama and papa ko,” nakangiting pahayag ni Melai.
Para sa Magandang Buhay host ay wala na siyang mahihiling pa sa estado ng kanyang buhay ngayon. Kung ipagkakaloob ng Panginoon ay gusto nang magkaroon muli ng anak ni Melai. Gusto na nina Jason at Melai na masundan ang dalawang babaeng anak. “Wala na akong wish na mga bagay, ang wish ko talaga is i-sustain ako ni Lord ng wisdom. Ang pinaka-wish ko maibigay sa akin ni Lord para sa daily journey in life. Sana magka-baby pa para may boy kami. Tapos sana April din ipanganak para tawagin naming April Boy, char lang,” paglalahad ng komedyana.
Sa ngayon ay ayaw pa raw ng bunsong anak na si Stella na magkaroon ng isa pang kapatid. “Si Jason kasi hinahayaan niya na magustuhan ni Stella. Kasi kumbaga sa kanya, hindi lang kami ang magdedesisyon, kundi magdedesisyon din ang magkakapatid. Kung gusto mo na, gagawin na namin ng papa mo. Pero ayaw pa ni Stella,” paliwanag ng Magandang Buhay host.
Paulo, gustong isunod kay Kim si Kathryn
Simula April 24 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Elevator na pinagbibidahan nina Kylie Verzosa at Paulo Avelino. Pinag-aralang mabuti ng aktor kung paano magsalita at kumilos ang isang OFW o overseas Filipino worker para sa role sa naturang proyekto. “Before this project, I was doing Linlang. This one is very light, if you watch parang OFW talaga. Tinry ko as much as possible as organic,” pagbabahagi ni Paulo.
Patuloy na namamayagpag ang tambalan ng aktor at Kim Chiu sa Linlang at What’s Wrong with Secretary Kim? Nangangarap naman daw ngayon si Paulo na makatambal si Kathryn Bernardo sa mga susunod na proyekto. “Si Kathryn, she is trying to transition into more mature roles baka maging bagay ako sa sa mga proyektong gagawin niya,” pagtatapat ng aktor. (Reports from JCC)