Jessy at Luis, pabulong kung mag-away

Jessy Mendiola. Peanut at Luis Manzano. STAR/ File Noong Biyernes ay naging panauhin namin si Jessy Mendiola sa Fast Talk with Boy Abunda. Naibahagi sa amin ng aktres kung bakit muli silang nagpakasal ng asawang si Luis Manzano noong Feb. 15 sa Coron, Palawan. Matatandaang unang nagpakasal sa Batangas ang mag-asawa noong 2021. “The difference […]

Jessy at Luis, pabulong kung mag-away

Jessy at Luis, pabulong kung mag-away thumbnail

Jessy Mendiola. Peanut at Luis Manzano.

STAR/ File

Noong Biyernes ay naging panauhin namin si Jessy Mendiola sa Fast Talk with Boy Abunda. Naibahagi sa amin ng aktres kung bakit muli silang nagpakasal ng asawang si Luis Manzano noong Feb. 15 sa Coron, Palawan.

Matatandaang unang nagpakasal sa Batangas ang mag-asawa noong 2021. “The difference Tito Boy, meron na kaming Rosie, si Peanut. Talagang sabi ko, little bride siya. Hindi lang ako ‘yung naka-white, siya rin. ‘Yon ang difference talaga. Promise din namin sa isa’t isa na ikakasal kami sa harap ng Diyos (kaya nagpakasal sa chapel). Actually two reasons, one is of course kay Lord. Pangalawa, gusto naming makasama ‘yung family ko. Because when we did our first wedding sa Lipa noong 2021, wala ‘yung family ko no’n kasi at the height of pandemic eh. So sabi namin, gawin na natin with our two families. Kasi ang tagal ding hindi nakauwi dito ‘yung daddy ko eh,” paliwanag ni Jessy.

Ayon sa aktres ay malaking-malaki na ang ipinagbago ng mister mula nang magkaroon ng sariling pamilya. “As a father, talagang sabi ko, grabe, iba talaga ang growth ng isang person. Bago naman dumating si Peanut two years na rin kaming kasal. Nakita ko na rin siya as a husband. Pero itong season niya ngayon as a father, mas lalo akong nai-in love sa kanya. Hindi kayong dalawa lang ‘yung iniisip niya pero meron pa siyang isang iniisip na sobrang importante sa kanya. Grabe lang din ‘yung happiness niya, makikita mo na kuntento siya,” pagbabahagi niya.

May mga pagkakataon na nag-aaway sina Jessy at Luis. Para sa aktres ay normal lamang sa mga mag-asawa na nagkakaroon ng mga hindi pagkakaintindihan paminsan-minsan. “Oo Tito Boy, imposibleng hindi. Hindi na kami normal no’n kung hindi kami mag-away. Pabulong kami, tito boy (kung mag-away), baka magising si bagets. Siyempre nag-aaway kami but mas mabilis na kaming magkabati ngayon because of Peanut and dahil kilala na namin ang isa’t isa. And healthy na nag-aaway kayo, and I think naggu-grow kayo together as a couple,” naka­ngiting pagtatapat ng aktres.

Sarah, paulit-ulit na sinasabing single na siya

Kamakailan ay kumalat sa social media ang larawan ni Sarah Lahbati na kasamang kumakain sa restaurant ang isang lalaki sa Hong Kong.

Nagkaroon ng ispekulasyon ang netizens na posibleng mayroon ng bagong kasintahan ang aktres. “It’s okay ‘coz again, I am single. Let me repeat that I am single. Of course, there will always be speculations. I went to Hong Kong to experience the Sea Art Puzzle. It’s always been a dream of mine to check it out and I am happy that I was able to go. That photo circulating around is my friend. I visited Hong Kong and met up with different friends there,” paglilinaw ni Sarah.

Para sa aktres ay wala namang masama na magkaroon siya ng mga kaibigang lalaki. “It takes a lot more for something to bother me. But I think, as a woman, we’re all allowed to have guy friends. Again, it’s okay to speculate because again I’m single and it’s part of a whole new thing,” giit niya.

Hindi na lamang umano pinapansin ni Sarah ang mga malisyosong isyu na ibinabato sa kanya ng mga tao. Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay nasanay na ang aktres sa mga intriga sa mundo ng show business. “Sanay na kasi, kung matatandaan n’yo naman na ang buhay ko ay punung-puno ng makulay na intriga simula pagkapanganak ko kay Zion. Remember when that happened and up to now, hindi ako nilalayuan ng intriga. So for me it’s nothing,” paglalahad ng model-actress.  (Reports from JCC)