Vice Ganda, excited sa ika-15 anibersaryo ng ‘It”s Showtime” na gaganapin sa Kapuso Network
Inihayag ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na excited siya sa ika-15 taong anibersaryo ng kanilang programa na gaganapin ang selebrasyon sa Kapuso Network. Bukod ito, may isa pa silang ipagdiriwang sa Abril 6. “Ang pinakamalala talaga, nakalimutan kong sabihin sa speech kanina, ‘yung 15th anniversary namin. Siyempre ang milestone is sa GMA […]
Inihayag ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na excited siya sa ika-15 taong anibersaryo ng kanilang programa na gaganapin ang selebrasyon sa Kapuso Network. Bukod ito, may isa pa silang ipagdiriwang sa Abril 6.
“Ang pinakamalala talaga, nakalimutan kong sabihin sa speech kanina, ‘yung 15th anniversary namin. Siyempre ang milestone is sa GMA mangyayari,” saad ni Vice sa panayam ng showbiz press, na mapaapanood din sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes.
Naging posible ito matapos magpiramahan ng kontrata nitong Miyerkules ang pamunuan ng GMA at ABS-CBN para ipalabas na rin sa GMA channel 7 ang “It’s Showtime” simula sa Abril 6.
Ayon kay Vice, magsisilbi ring double celebration ang unang episode sa Abril 6, dahil ipagdiriwang din nila ang kaniyang kaarawan sa Marso 31.
“After na lang para makapagpahinga ako, para mas fresh tayo. Pahinga muna tayo tapos pagbalik natin April 6, birthday episode ko. Na hindi naman namin alam na may mangyayaring ganitong malaki. So April 6 is going to be a double celebration,” saad ng Unkabogable Star.
Aasahan din daw ang mga bagong segment naa magpapasaya sa tanghali.
“Sobra talaga kaming excited. Because when we moved to GTV, it was really a small introduction. And now this is a full-blown celebration of a collaboration para sa ating mga Madlang Kapuso, at sobra kaming excited to introduce ourselves yet again sa mga Kapuso on April 6,” sabi naman ni Anne Curtis.
Samantala, sinabi ni Tito Boy na bukas ang “It’s Showtime” hosts sa pagkakaroon ng mga Kapuso bilang regular host.
“Kahapon nakausap natin si Vhong (Navarro) dito nang live. Ang sabi niya pinag-uusapan na ngayon ang posibleng pagpasok ng Kapuso stars sa It’s Showtime,” saad ni Tito Boy.
“Actually it was my question, and he was open to the possibilities. Puwedeng bilang guests o bilang regular hosts,” pagpapatuloy ni Tito Boy.
Bukod sa main channel, mapapanood din ang It’s Showtime sa GMA Pinoy TV, habang patuloy din itong ini-ere ng GTV. — FRJ, GMA Integrated News