Tom Rodriguez, naisip kayang huwag nang bumalik sa Pilipinas habang nasa US?
Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Tom Rodriguez nang manirahan siya sa Amerika ng dalawang taon na una niyang binalak na dalawang linggo lang. Pero naisip kaya ng aktor na huwag nang bumalik sa Pilipinas? Sa panayam ni Nelson Canlas na ibinalita sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabi ni Tom na pakiramdam […]
Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Tom Rodriguez nang manirahan siya sa Amerika ng dalawang taon na una niyang binalak na dalawang linggo lang. Pero naisip kaya ng aktor na huwag nang bumalik sa Pilipinas?
Sa panayam ni Nelson Canlas na ibinalita sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabi ni Tom na pakiramdam niya ay nagsimula siya sa US na “negative.”
“I can’t rely on myself pa no’n. I didn’t know how to begin kasi I was just like losing everything, my finances, the things that I really worked hard on, things I relied on,” paliwanag niya.
“Sabi ko nga that time, I feel like a negative. I started from a negative and then you learn to journaling, that’s when I learned to start talking to myself and you realize kung paano mo pala kinakausap ‘yung sarili mo. Journaling, self-reflection. Just writing down your thoughts. And then, slowly, you get to realize ‘Hey why do I talk to myself like this?’” patuloy niya.
Nagtungo sa US si Tom para sana manatili lang doon ng dalawang linggo matapos silang maghiwalay ng kaniyang dating asawa na si Carla Abellana.
Sa kaniyang paninirahan sa US, sinabi ni Tom na naging simple lang ang pamumuhay niya doon kasama ang kaniyang pamilya.
“A very, very normal life and I loved every minute of it,” saad niya.
Aminado rin si Tom na sumagi rin sa isip niya na huwag na lang bumalik sa Pilipinas.
“I would be honest, there really was. Kasi ang sarap ng gano’ng buhay, Nelson. But at the same time, like I said, kalahati ng puso ko nandito rin. I’m very passionate about my work and I really do love it ang hirap i-reconcile ng dalawang ‘yun eh,” ayon sa aktor.
Sinabi rin ni Tom na nananatili pa rin ang kaniyang pangarap na magkaroon ng pamilya, gaya nang nakita niya sa US habang kasama ang kaniyang mga kapatid na may anak na.
Nitong Huwebes, inamin ni Tom na mayroon siyang idine-date ngayon pero nais niyang maging pribado muna ang lahat.—FRJ, GMA Integrated News