Tahahang Pinakamasaya goodbye na?! true ba? ‘di na nakakabayad sa GMA?! GMA at TAPE, maglalabas ng statement!
Showtime, ipapalit na ba? Nag-last day na kahapon ang Tahanang Pinakamasaya. Pero habang sinusulat namin ito ay wala pa silang official statement. Wala rin kaming nakuhang sagot kung ano ang papalit sa programa o kung babu na ba forever ito. Nag-iyakan nga sina Isko Moreno at Buboy Villar pero walang formal farewell. Sinilip namin sa […]
Showtime, ipapalit na ba?
Nag-last day na kahapon ang Tahanang Pinakamasaya.
Pero habang sinusulat namin ito ay wala pa silang official statement.
Wala rin kaming nakuhang sagot kung ano ang papalit sa programa o kung babu na ba forever ito.
Nag-iyakan nga sina Isko Moreno at Buboy Villar pero walang formal farewell.
Sinilip namin sa YouTube pero parang ganun pa rin naman ang episode kahapon tho may paramdam na signing off na sila.
Totoo bang magre-replay muna ang programa?
Hindi diumano kinaya ng powers ng TAPE Inc (Television and Production Exponents Inc.) ang gastos sa programa.
True ba? Diumano ay hindi na sila makabayad sa GMA 7.
Totoo rin bang P1 million a day ang kailangan nila para sa timeslot na ‘yun?
Bago diumano ito ay malaki na talaga ang backlog ng programa sa GMA.
Kahit sa social media ay nawala na rin ang account ng Tahanang Pinakamasaya particularly sa Facebook.
Paano na kaya ‘yung mga host na may kontrata sa TAPE like Paolo Contis?
Ayon kay Atty. Maggie Garduque, maglalabas sa Lunes, March 4, ng joint statement ang GMA at TAPE Inc.
Pero nang tanungin ko si Atty. Maggie kung last day na ba talaga kahapon sagot niya : “Wala pa po ako authority to release statement ate e wait na lang po siguro natin sa Monday.”
Anyway, senyales kaya ito na pwede nang kumandidatong senador si Isko Moreno?
Nangako kasi ang dating yorme ng Manila na hindi na siya kakandidato nung Eat Bulaga pa ang programa.
Pero nabawi ito ng TVJ (Tito, Vic and Joey) kaya naman ginawa itong Tahanang Pinakamasaya matapos ang court decision at pagpabor ng Intellectual Property Office of the Philippines sa apela ng TVJ.
Mataas sa mga isinasagawang senatorial survey si Yorme.
Ang It’s Showtime na kaya ang papalit sa kanila na kasalukuyang napapanood sa GTV?
Hindi raw malayong mangyari ayon sa source.
Sa Eat Bulaga naman ay nag-celebrate ng birthday si Maine Mendoza na sinorpresa pa ng mister na si Arjo Atayde pero umaga pa diumano ay aware na ang mga taga-EB sa magiging kapalaran ng Tahanang Pinakamasaya.
The Bagman, handa nang ibenta sa Filmart
Nadagdagan ang excitement sa The Bagman, ang 2024 international action-drama series na pagbibidahan nina Arjo Atayde, John Arcilla, at Judy Ann Santos, dahil makakasama nila ang ilan sa mga premyadong mga artista sa bansa.
Kabilang sa cast ng The Bagman, ang premium spin-off ng iWant digital series na Bagman, sina Tirso Cruz III, Ryan Eigenmann, Charlie Dizon, Gela Atayde, Joem Bascon, Art Acuna, Chai Fonacier, Sheila Valderrama, Ana Abad Santos, Al Tantay, Nino Muhlach, Jeffrey Santos, at Ynez Veneracion.
Magkakaroon ito ng walong (8) one-hour episode na ipo-produce ng ABS-CBN International Productions, Dreamscape Entertainment, Rein Entertainment, at Nathan Studios Inc.
Nasimulan na umano ang principal photography ng serye noong Pebrero 25 at kasado na itong ibenta sa FILMART, ang pinakamalaking film at entertainment content marketplace sa Asya, para makahanap ng co-production partners at makalikom ng pre-sales mula Marso 11-14, 2024 sa Hong Kong.
“ABS-CBN’s track record as a storyteller and content creator is one of our key assets that makes us a solid partner in international co-productions, as seen in our growing slate of global titles. As a pioneer and leader in globalizing Filipino content, we are pleased to be offering The Bagman at this year’s FILMART as it further strengthens our position as advocating for Filipino representation in today’s global marketplace. With the phenomenal cast now complete, coupled with the recent start of production, we have no doubt The Bagman will be a hit among buyers and co-prod companies in Hong Kong,” sabi ni ABS-CBN head of International Productions Ruel S. Bayani.
Dito ay magbabalik si Arjo bilang si Benjo Malaya, ang barber na naging tauhan ng gobernador na ngayon ay isa ng bilanggo. Nang malaman ni Benjo na nawawala ang kanyang pamilya, mapipilitan siyang bumalik sa kanyang madilim at mapangahas na nakaraan para simulan ang kanyang misyon bilang bagman ng presidente ng Pilipinas upang pigilan ang isang napipintong digmaan.
Samantala, bilang bahagi ng misyon na maging isang global storytelling company, pinangunahan ng ABS-CBN International Productions ang unang ABS-CBN Hollywood Bootcamp, kung saan nagkaroon ang piling creatives mula sa ABS-CBN Films, TV Production, at International Productions ng online masterclasses sa loob ng walong linggo na pinamunuan ni Los Angeles-based Development Executive for International Productions, Lea Dizon, tampok ang ilang Hollywood executives.
Sinundan ito ng limang buwang hybrid Project Incubator, kung saan nakipagtulungan ang mga Kapamilya creative kay Dizon para mabuo ang kanilang personal passion projects na nagtapos sa isang Pitch Fest activity noong Pebrero 22-23, 2024. May kabuuang 26 na orihinal na pelikula at serye ang iprinisenta kina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, Development Executive for International Productions Lea Dizon, International Productions head Ruel Bayani, ABS-CBN Films head Kriz Gazmen, head of Digital Jamie Lopez, at head ng Transformation and Innovation na si Mark Nepomuceno.