Sarah Geronimo, unang Pinay na tumanggap ng Billboard Global Force Award sa California
Gumawa ng kasaysayan si Sarah Geronimo matapos siyang maging kauna-unang Pinay na pinarangalan sa Billboard Women in Music Awards na ginanap sa California. Nitong Huwebes, tinanggap ng Popstar Royalty ang Global Force Award sa awarding ceremony sa Los Angeles, California. Sa kaniyang acceptance speech, sinabi ni Sarah na, “this recognition signifies courage and hope. Courage […]
Gumawa ng kasaysayan si Sarah Geronimo matapos siyang maging kauna-unang Pinay na pinarangalan sa Billboard Women in Music Awards na ginanap sa California.
Nitong Huwebes, tinanggap ng Popstar Royalty ang Global Force Award sa awarding ceremony sa Los Angeles, California.
Sa kaniyang acceptance speech, sinabi ni Sarah na, “this recognition signifies courage and hope. Courage to accept and embrace one’s self and the courage to break boundaries and rise above all the setbacks and challenges that every artist needs to face.”
“And the hope that one day, this meaningful moment will bridge the gap between the Philippines and other nations, collaborating, uniting as one to create change and positivity in the world through music. Once again I am Sarah Geronimo, from the Philippines. Mabuhay ang OPM. Maraming maraming Salamat po.”
Kasama ni Sarah ang kaniyang asawa na si Matteo Guidicelli, nang tanggapin ang award. Nag-post ang aktor sa Instagram para ipagmalaki ang kaniyang misis, at inihayag na, “You are the Global force! Congratulations! Keep making music!”
Bukod kay Sarah, tumanggap din ng naturang pagkilala na Global Force Award sina Annalisa ng Italy, at Luísa Sonza ng Brazil.
Kasama rin sa pinarangalan sina Karol G (Woman of the Year)), Ice Spice (Hitmaker), NewJeans (Group of the Year), at Victoria Monet (Rising Star).
Ayon sa Billboard, ang naturang mga award ay pakilala sa mga kababaihan “across generations and music genres who define today’s sound.”
Nitong nakaraang buwan, inilabas ni Sarah ang kaniyang bagong awitin na “My Mind” kasama si Billy Crawford.— FRJ, GMA Integrated News