Barbie, hindi tumulad sa mga nagmamalaking nanood ng Eras concert

Mas priority ang gastos sa bahay Buti pa si Barbie Forteza mas nakakatuwa ang attitude Kung ang maraming celebrity nga ay todo ang pagmamalaking nanood sila ng Eras Tour ni Taylor Swift sa Australia, Japan at ngayon sa Singapore, hindi nakiuso ang Kapuso actress. Maligaya na siya na nakatanggap ng ilang Taylor Swift merch – […]

Barbie, hindi tumulad sa mga nagmamalaking nanood ng Eras concert

Barbie, hindi tumulad sa mga nagmamalaking nanood ng Eras concert thumbnail

Mas priority ang gastos sa bahay

Buti pa si Barbie Forteza mas nakakatuwa ang attitude

Kung ang maraming celebrity nga ay todo ang pagmamalaking nanood sila ng Eras Tour ni Taylor Swift sa Australia, Japan at ngayon sa Singapore, hindi nakiuso ang Kapuso actress.

Maligaya na siya na nakatanggap ng ilang Taylor Swift merch – T-shirt at friendship bracelet mula sa kaibigang si Rain Matienzo na bumiyahe sa Australia para manood ng concert.

“Kasi para sa akin, ito po ay sa akin lamang, I just feel like it is a splurge for me. Sabi ko sa sarili ko, if magpe-perform siya sa dito sa Pilipinas, I will definitely watch it,” say ni Barbie sa interview ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Aniya, gusto niya pero pinigilan siya ng pagkakataon.

“I really like it… But to have to spend for a flight, accommodation, and siyempre to maximize your time to wherever she’s performing, parang it’s too much of a splurge, especially I’m coming from just finishing a house.

“So, parang kasi if it’s just for that, I’d rather spend it for something else. Feeling ko naman magpe-perform siya ulit soon,” paliwanag pa ni Barbie.

Na mas nakakabilib.

Hindi tumutulad sa mga celeb na gumastos na nga, todo pa ang promote sa kanilang social media.

Pero ‘pag local concert naman, super dedma.

Tama naman si Barbie.