Rivermaya reunion concert, malaki ang lugi?!

JUST ASKING – L. Guerrero – Pilipino Star Ngayon February 22, 2024 | 12:00am Hindi natin maatim ang chika na compared to the Eraserheads concert, ‘di hamak raw na ang layo ng kinita nito sa Rivermaya reunion concert! Totoo? Lugi? Hindi naman siguro. Pero ang tanong ng ating source, sino at ilang sponsors ba ang […]

Rivermaya reunion concert, malaki ang lugi?!

Rivermaya reunion concert, malaki ang lugi?! thumbnail

JUST ASKINGL. Guerrero – Pilipino Star Ngayon

February 22, 2024 | 12:00am

Hindi natin maatim ang chika na compared to the Eraserheads concert, ‘di hamak raw na ang layo ng kinita nito sa Rivermaya reunion concert!

Totoo? Lugi? Hindi naman siguro.

Pero ang tanong ng ating source, sino at ilang sponsors ba ang um-ok sa Rivermaya?

Ilan lang ba ang tickets sold?

Oh well, pagtatanggol ng die-hard fans, at least natuloy pa rin ang concert, at hindi katulad ng ibang artists na binababaan na ang tono ng pagkanta, sa Rivermaya – pantay pa o mas mataas pa nga sa original key. Say n’yo?!

Kumpirmado… aktres, hirap sa pagbubuntis!

Mukhang confeeeeermed ‘yung napapabalitang buntis ayon sa mga kaibigan nito, kaya abangan na lang natin ang kanyang kumpirmasyon.

At oo, alam ito ng kanyang ina na taga-showbiz din at kailangan nating isama siya sa dasal dahil hindi madali ang kanyang pinagdaraanan sa pagdadalantao.

May tanong pa ba tayo?

Hintayin na lang natin ang sagot nilang mag-fiancee!

Dominic vs Cristy, parang extension ng TVJ

Talaga bang hahantong sa legal battle sina Dominic Roque at Bullet Jalosjos laban kay Cristy Fermin?

Para bang extension ito ng Jalosjos versus TVJ? Or public apologies are in order?

In the first place, ‘di tulad ng breakup nina Jericho Rosales at Kim Jones na ipinasa sa isang third party, kanino nakuha nina Boy Abunda, Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang balita at go-signal kaya?

Dalawang kasal ni Maxine, bongga ang mga ex-deal

Congratulations sa dati nating Miss Universe representative Maxine Medina sa kanyang pagdadalantao rin sa kanyang boyfriend na si Timmy Llana. Hindi ba’t sila ‘yung may dalawang bonggang kasal: sa Rizal at Palawan last year na puno raw ng magagandang ex-deal?

Sa binyag din kaya ay may ex-deals din?

Nakakata-quote:

“Burgos is home. After 2 months of waiting.” – Metro Manila Film Festival Best Actor Cedrick Juan on his new pet puppy na adopted nila ng girlfriend na si Karen Toyo­shima mula sa Pawssion Project