Aktor, biktima ng pang-aabuso ng girlfriend!

SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon February 22, 2024 | 12:00am Extreme ang relasyon ng dalawang showbiz couple na ito. Maganda si aktres, hunkydoodle naman si aktor. Maingay ang kuwento ng pagsisimula ng kanilang relasyon noon, pero ngayon ay tahimik na at wala na tayong nababalitaan lately. Nakikita na lang natin sa […]

Aktor, biktima ng pang-aabuso ng girlfriend!

Aktor, biktima ng pang-aabuso ng girlfriend! thumbnail

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

February 22, 2024 | 12:00am

Extreme ang relasyon ng dalawang showbiz couple na ito. Maganda si aktres, hunkydoodle naman si aktor.

Maingay ang kuwento ng pagsisimula ng kanilang relasyon noon, pero ngayon ay tahimik na at wala na tayong nababalitaan lately.

Nakikita na lang natin sa mga post nila sa kanilang social media account na masaya sila, sobrang mahal nila ang isa’t isa.

Totoo raw sabi ng ilang taong malapit sa dalawa na mahal nila ang isa’t isa. Wagas ang pagmamahalan, pero wagas din ang pagkabayolente ng kanilang away!

Ayon sa ilang taong nagkuwento sa amin, grabe raw kung ipahiya ni magandang aktres ang hunky boyfriend niya sa harap ng mga kaibigan.

Minsan daw ay umabot pa sa sakitan na kung sapakin ni magandang aktres si aktor ay ganun-ganun na lang.

Nahihiya na lang daw ang ilang kaibigan kapag inabot ng ganung topak si magandang aktres.

Hindi lang ‘yun! Kung makapag-verbal abuse itong si magandang aktres kay aktor ay ang tindi rin.

May nakakarinig pa rin daw minsan na sinasabihan ni magandang aktres ang boyfriend niyang nakakadiri raw ito, dahil nagpapakabit daw sa mayayamang bading.

Tinitilian daw ito ng tipong, “hanggang ngayon ba nagpapakabit ka pa rin sa mga bakla?!”

Hindi na raw nakakaimik si hunk actor, kaya madalas ay siya na raw ang nakikipaghiwalay.

Kilala naming mabait at tahimik lang itong si hunk actor. Kung kaya niyang tiisin, gagawin niya.

Pero madalas daw ay siya na ang nakiki­paghiwalay. Kaya lang hindi naman natutuluy-tuloy dahil nagdadrama na raw itong si magandang aktres.

The height daw ng kadramahan niya ay nagtangka raw itong maglas­las ng pulso.

Hindi lang sure ang aming source kung natuloy ang paglaslas o nagtangka pa lang, dahil nandiyan naman agad si hunk actor na pumigil.

Para wala nang gulo, hinahayaan na lang ni aktor ang pagka-aning aning ni magandang aktres.

Sa ngayon daw ay kaya pa naman daw tiisin dahil kapag walang away, ang saya naman nila at ang sweet nilang dalawa.

Pero saan na ba ngayon si hunk actor?

Ang ganda ng showbiz career niya noon.

Pero nang naging sila nitong si magandang aktres, tila naglamlam?

Sparkle teens, panay ang pagpapakilig

Unti-unti nang nakakabuo ng fandom ang bagong love­teams ng Sparkle teens.

Maraming views ang TikTok Kilig series nilang inilunsad ngayong buwan.

Katatapos lang ng unang series na pinamagatang Secret Notes ng tambalang AshCo nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Ngayon naman ay patapos na ang isa pang episode na Beyond The Game ng tambalang PrYce nina Princess Aliyah at Bruce Eusebio.

Noong Linggo ay nag-promote pa sila sa Enchanted Kingdom na ikinatuwa ng supporters nila.

Ayon kay Bryce Eusebio, hindi ganun kadali magpakilig sa isang loveteam. Nagpapasalamat siya sa magandang samahan nila ni Princess na kung saan ay matagal niyang nakasama sa workshop at ibang activities.

Talagang nabuo raw nila ang tiwala sa isa’t-isa, kaya napag-aralan niya kung paano magpakilig kasama ang ka-loveteam.

Pagkatapos ng Beyond The Game nina Bryce at Princess, sisimulan naman ang Kilig Series nina Sofia Pablo at Allen Ansay na pinamagatang Mystery Girl.