Coco, natuto na!
February 22, 2024 | 12:00am Mahigit isang taon nang napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Bilang isa rin sa mga prodyuser at direktor ng naturang serye ay natuto na raw si Coco sa kanyang mga nagawang mali noon. Matatandaang pitong taong tumakbo ang kwento ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinangunahan din […]
February 22, 2024 | 12:00am
Mahigit isang taon nang napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Bilang isa rin sa mga prodyuser at direktor ng naturang serye ay natuto na raw si Coco sa kanyang mga nagawang mali noon. Matatandaang pitong taong tumakbo ang kwento ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinangunahan din ng aktor, prodyuser at direktor. “Honestly, as a creator, ni-ready ko ‘yung show sa malawakang kwento, sa mahabaang panahon. Para if ever lang, kung saan hahantong, naka-ready. Lahat ng kakulangan, lahat ng pagkakamali ko noon sa Probinsyano ngayon itinatama ko lahat. Pati quality, actors, dati kasi kapag naisipan ko sa isang kwento, itotodo ko kaagad eh. Ngayon binabalanse ko kasi na-experience ko sa Ang Probinsyano, namroblema ako sa artista kasi halos lahat nai-guest na namin eh. Ngayon dinadahan-dahan ko, bawat actor, dahan-dahan muna,” nakangiting pahayag ni Coco sa ABS-CBN News.
Sinisiguro ni Coco na talagang kakaiba na ang matutunghayan ngayon ng mga manonood sa kanilang serye.
“Ngayon ibang yugto na naman after one year. Iba dapat ‘yung maipakita natin sa tao. Iba na ‘yung ihahain natin sa kanila. Iba na ang journey ni Tanggol. Kung mapapansin n’yo ang daming artista ang ipinapasok namin. Kumbaga paglabas (mula sa kulungan) ni Tanggol, napakalaki ng mundong tatahakin niya. Ang daming lugar na pupuntahan,” giit niya.
Nangangarap si Coco na mabibigyan ng pagkakataong makatrabaho ang ilan pang mga beteranong artista sa bansa. Mahalaga para sa Kapamilya star na makatulong din sa mga kasamahan sa industriya. “Gusto ko pa makatrabaho sina Chanda Romero, Amy Austria, Gina Alajar, Rio Locsin, ‘yung mga mahuhusay nating actress and actors. ‘Di ko naman pwedeng mapagsabay-sabay. Awa naman ng Diyos, lahat ng mga naoohan ko sa mga napupuntahan kong okasyon naipapasok ko. Katulad nina Ynez Veneracion, Dinky Doo, nagkita lang kami tapos gusto nila. Sabi ko, hahanapan ko sila pero hindi ko maipo-promise kung gaano kahaba, kung gaano kalaki. Ang importante naman, makita sila ulit. Kasi kapag nakita ka dito, maiisip ka ulit ng mga producer, mga direktor. Itong Batang Quiapo, nagiging daan, nakakapagbukas ulit ng daan,” paliwanag ng aktor, prodyuser at direktor.
Anne, nag-pay forward sa OFW
Noong Lunes ay nag-trending sa social media ang Tawag Ng Tanghalan Kids segment kung saan nangakong sasagutin ni Anne Curtis ang gastusin upang makauwi mula Dubai ang ama ng isang contestant.
Naging emosyonal ang It’s Showtime host dahil talagang naramdaman umano ang pangungulila ng bata sa ama nitong isang OFW. “Whenever it’s a kid, I always have a soft spot talaga dealing with children, talk about the irony of it all. This running joke of OFWs coming home from my birthday. I met Princess who is a contestant, and she just missed her Papa so much, her dad so much, who is an OFW in Dubai. And thankfully, we are able to speak to him and plan when he’s coming home. It just felt right to be in that moment with her, to see how much he misses her Papa and I believe in paying it forward. So why not? If I’m able to pay it forward, if I see that opportunity, then I’ll certainly do it,” pagbabahagi ni Anne.
Ipinagdiwang ni Anne ang kanyang ika-tatlumpu’t siyam na kaarawan noong Feb. 17.
Ngayong Sabado ay isang espesyal na selebrasyon para sa gaganapin sa noontime show ng Kapamilya network.
Magiging panauhin ng binansagang ‘Dyosa ng OFWs’ ang ilan sa mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibang bansa. “Tuwang-tuwa ako lalo na sa pinakamamahal nating mga OFW na talaga namang gumagawa ng mga videos. Ang tatalino ng mga ginagawa nila, nakakaaliw. Sobra akong nagpapasalamat sa kanila na naki-celebrate sila. Hindi man sila nakauwi para sa birthday ko, they still celebrated with me. From a sobrang joke, it became such a memorable birthday because of them, so thank you. Now it’s an event on Saturday, may in-invite rin ako nga mga OFW,” paglalahad ng TV host-actress. (Reports from JCC)