Mga manonood, Level Up na talaga ang attitude

Marian Rivera at Dingong Dantes. STAR/ File Katawa talaga ang mga nangyayari ngayon. Iyon bang akala mo si Darren Espanto na ang pinaka-yummy dahil lumalabas sa press release na para bang pinag-aagawan siya ng girls. Tapos ‘yung Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na akala mo isang malaking bagay kung sakali mang nagkaroon ng ligawan. At […]

Mga manonood, Level Up na talaga ang attitude

Mga manonood, Level Up na talaga ang attitude thumbnail

Marian Rivera at Dingong Dantes.

STAR/ File

Katawa talaga ang mga nangyayari ngayon.

Iyon bang akala mo si Darren Espanto na ang pinaka-yummy dahil lumalabas sa press release na para bang pinag-aagawan siya ng girls.

Tapos ‘yung Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na akala mo isang malaking bagay kung sakali mang nagkaroon ng ligawan.

At katuwa ‘yung mga cute pasabog ni Andrea Brillantes lalo na dun sa abroad nang manood siya ng isang concert. Katuwa na marami pa ring mga balita kaya kahit paano abuzz pa rin ang showbiz.

Saka maganda naman na para bang marami namang naghahanda para sumali sa Metro Manila Film Festival. Excited na ang may mga project kaya iisipin ko na magiging malaking happening na naman tiyak ang festival sa Pasko.

Excited din ang lahat kung totoo nga ‘yung Vice Ganda at Coco Martin material na isasali. Hinihintay rin ang gagawin ni Bong Revilla.

Hindi pa rin totoo na matamlay at mukhang naghihingalo na sabi ng iba.

Excited pa rin ang Regal at Viva sa paggawa ng projects. At marami pa rin namang stars na talagang gusto pa ring lumabas sa pelikula at mag-showbiz.

Matapos ang matagumpay na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, hinihintay na uli ang bago nilang gagawin. Napatunayang basta maganda ang istorya at pagkakagawa ng pelikula tiyak na kikita ito.

Kaya naman nag-level up na ang mga sumasali ngayon na talagang ingat na ingat na sa pagpili ng materyal na kanilang gagawin. Mabuti naman dahil iba na ang taste ngayon ng mga manonood. Medyo mapili na rin ngayon ang viewers. Kahit nga ang foreign movies ‘pag hindi maganda hindi na rin nagki-click.

Kaya oras para talaga magbago. Hindi na puwede ang basta-basta na lang. Kailangang maganda at mahusay. Sayang nga naman ang pera kung manonood ka lang ng walang kuwentang pelikula.

Bongga na talaga ngayon.