Dimples, nanganganay ulit sa pag-arte

Masayang-masaya si Dimples Romana dahil muling makababalik sa paggawa ng isang serye. Makakabilang ang aktres sa High Street na pagbibidahan ni Andrea Brillantes. Sequel ito ng seryeng Senior High. Ngayon ay araw-araw na napapanood si Dimples bilang host ng Gud Morning Kapatid sa TV5. Matatandaang huling napanood sa serye ang aktres sa The Iron Heart […]

Dimples, nanganganay ulit sa pag-arte

Dimples, nanganganay ulit sa pag-arte thumbnail

Masayang-masaya si Dimples Romana dahil muling makababalik sa paggawa ng isang serye. Makakabilang ang aktres sa High Street na pagbibidahan ni Andrea Brillantes. Sequel ito ng seryeng Senior High.

Ngayon ay araw-araw na napapanood si Dimples bilang host ng Gud Morning Kapatid sa TV5. Matatandaang huling napanood sa serye ang aktres sa The Iron Heart na nagtapos noong isang taon. “This is the first time that I’m going back to acting after Iron Heart. After that we have traveled for ASAP Milan. Then I had to go to my child in Australia. Ngayon, I’m back to acting, I’m so excited,” nakangiting bungad ni Dimples.

Aminado ang aktres na nakararamdam pa rin ng kaba pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera. Ayon kay Dimples ay manganganay siyang muli sa trabaho sa bagong serye. “I haven’t been acting for months. Seven months, I have never had a pause this long in between teleseryes,” pagtatapat niya.

Samantala, kamakailan ay nakadalo si Dimples sa ginawang housewarming para sa bagong bahay ni Kathryn Bernardo. Nasaksihan umano ng aktres ang lahat ng mga tagumpay na tinatamasa ni Kathryn ngayon. “This is very, very sentimental for both of us. Because seeing her grow from that very innocent child with big dreams. Now all of those big dreams of hers are coming to life. And I get to experience that and be proud of her for doing that. Not just for her but for her entire family,” pagtatapos ng aktres.

Spencer, pinandirihan ni ice

Masayang inalala ni Spencer Reyes kung paano sila nagkatrabaho ni Ice Seguerra sa Okay Ka, Fairy Ko mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.

Noon pa man ay ayaw na raw magsuot ng palda ng aktres. “Ayaw niya magpalda. Ang natatandaan ko pa no’n, si Ma’am Charito Solis, nagalit ‘yon. ‘Pag sinabi ni Ma’am Charito na, ‘Magpalda ka!’ Ayun, nanginginig na si Ice no’n, pero ayaw niya talaga. Alam ko na talaga,” pagbabalik-tanaw ni Spencer.

Kinausap daw noon ni Vic Sotto na bida sa naturang fantasy sitcom sina Spencer at Aiza upang magkatambal. “Kinausap kami ni Bossing. Kinakabahan ako kung anong imi-meeting namin. Sabi niya, ‘Ipi-pair namin kayo. I agreed and then minsan sumosobra ako. Aakbayan ko siya tapos wala sa script ‘yung hahalikan ko siya. Ayun! Nandidiri na sa akin ‘yon. Nakangiti siya sasabihin niya, ‘Ikaw ha, sumosobra ka na ha!’ Sabi ko, ‘Sige na, mag-ride ka na lang. Single din ako no’n, bata pa ako no’n,” natatawang kwento ng dancer-actor.

Kahit matagal nang hindi magkatrabaho ay hindi pa rin nawala ang komunikasyon sa pagitan nina Spencer at Ice. “Nagme-message kami ni Ice. Ang tawag sa akin no’n kuya eh. Mostly lagi kaming nagme-message ‘pag nasa Manila ako. Pero okay kami, masaya,” pagbabahagi ng  Streetboys member. (Reports from JCC)