Rhian, himalang nakabalik ng pilipinas

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon April 20, 2024 | 12:00am Grabe ang panahon ngayon. Imagine ‘yung nangyari sa Dubai na isang disyerto ang klima pero nakaranas ng matinding pagbaha ilang araw lang ang nakakalipas. Sabi nga, isa ito sa mga pinakatuyong rehiyon ng planeta. Kaya’t nagpasindak sa mundo ang naganap na […]

Rhian, himalang nakabalik ng pilipinas

Rhian, himalang nakabalik ng pilipinas thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

April 20, 2024 | 12:00am

Grabe ang panahon ngayon.

Imagine ‘yung nangyari sa Dubai na isang disyerto ang klima pero nakaranas ng matinding pagbaha ilang araw lang ang nakakalipas.

Sabi nga, isa ito sa mga pinakatuyong rehiyon ng planeta. Kaya’t nagpasindak sa mundo ang naganap na pagbaha sa nasabing bansa.

Ang malakas na pag-ulan nga sa United Arab Emirates at Oman ay nagpalubog sa mga sasakyan, nagbara sa mga highway at pumatay ng hindi bababa sa 21 katao. At ang mga flight palabas ng airport ng Dubai, marami ang na-stranded kasama na si Rhian Ramos na nanawagan na sa social media para makaalis doon.

As of this writing ay naka-rebook na sila. “Grabe, super miracle yung nangyari, so happy to be coming home. so excited to shower too,” ang last tweet niya.

Pero iba naman ang kalagayan sa bansa, ang lala ng init.

Akala raw ng iba, nasa impyerno na sila. Hahaha.

Kaya swerte ang mga afford agad-agad mag-beach para magpalamig like Anne Curtis, Bianca Manalo among others.