Matutuloy kaya ang kasal? Sam at Catriona, may inaayos na problema
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon February 29, 2024 | 12:00am Ahhh totoo pala na sina Sam Milby at Catriona Gray ay kasalukuyang nahaharap sa ilang mga hamon sa kanilang relasyon, inaayos naman daw nila ang mga isyung ito. Kinumpirma nga ng kanilang management team, Cornerstone, na may pinagdaraanan ang engaged couple. […]
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon
February 29, 2024 | 12:00am
Ahhh totoo pala na sina Sam Milby at Catriona Gray ay kasalukuyang nahaharap sa ilang mga hamon sa kanilang relasyon, inaayos naman daw nila ang mga isyung ito.
Kinumpirma nga ng kanilang management team, Cornerstone, na may pinagdaraanan ang engaged couple.
Early February nang pumutok ang isyu na hindi na tuloy ang kasal nila, pagkatapos na pagkatapos ng breakup nina Dominic Roque and Bea Alonzo.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.
“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple,” bahagi ng statement ng management nina Sam and Catriona.
Na-engaged sila last February 2023 “I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala… now my fiancé,” post noon ni Sam.
Mabilis namang nag-trending kahapon si Catriona.
Nanatili naman silang tahimik sa kung anumang inaayos nilang problema.
Nang huli naming makita si Sam sa Chinese New Year celebration ng ini-endorse niyang product, ang Beautederm, ay hindi siya nagpa-interview. Umiwas siya sa mga andung entertainment press.
Kapamilya tinuldukan ang pagkuha ng bagong franchise
Tigas ng pagtanggi ng ABS-CBN na nag-a-apply sila ng magkaroon ulit ng franchise.
Sinabi ng ABS-CBN sa isang statement na nag-dispose na sila ng mga asset sa iba’t ibang broadcasting network pagkatapos nilang tumigil sa operasyon bilang isang broadcasting company.
Hindi-hindi raw totoo na nag-a-apply sila para sa isang bagong prangkisa at wala rin itong balak na bilhin ulit ang alinman sa mga asset na ibinenta nila.
Kasaluyang nagre-recruit ang News department nila ng mga bagong reporter kaya may mga nagdududang babalik talaga sila sa ere dahil diumano sila na ang mamamahala ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na nakakuha ng frequency ng Channel 2.
Ayaw na diumanong maglabas ng pera ng AMBS (Villar Group) kaya sa iba na ito ipapa-operate.
Ayon din sa usap-usapan, gagawin nang Rockwell condo-mall ang kasalukuyang location ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City.
Ang lungkot kung totoo ‘yun.