Sam, ‘di naisip na bubuhayin ang ginawa ni John Lloyd
Magbibida si Sam Concepcion para sa One More Chance the Musical ng PETA o Philippine Educational Theater Association. Gagampanan ng singer-actor ang karakter ni Popoy na pinasikat ni John Lloyd Cruz noon. Ngayon pa lamang ay magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Sam sa gagawing bagong proyekto. “We are very challenged and very happy, excited and a bit nervous. We are really looking forward sa kung ano ang magagawa […]
Magbibida si Sam Concepcion para sa One More Chance the Musical ng PETA o Philippine Educational Theater Association.
Gagampanan ng singer-actor ang karakter ni Popoy na pinasikat ni John Lloyd Cruz noon. Ngayon pa lamang ay magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Sam sa gagawing bagong proyekto. “We are very challenged and very happy, excited and a bit nervous. We are really looking forward sa kung ano ang magagawa namin with the story of One More Chance and music of Ben & Ben,” nakangiting bungad ni Sam.
Si CJ Navato ang makakahalinhinan ni Sam sa pagganap bilang si Popoy. Sina Anna Luna at Nicole Omillo naman ang gaganap bilang Basha na pinasikat noon ni Bea Alonzo sa 2007 Star Cinema movie. Hindi raw kailan man sumagi sa isipan ni Sam na magiging bahagi ng One More Chance project at magagampanan ang naging iconic character ni John Lloyd. “Never in a million years na mangyayari ito. I don’t think any of us expected na One More Chance will be staged here in PETA. It’s really monumental. We’re just glad,” dagdag ng singer-actor
Mapapanood ang One More Chance the Musical mula April 12 hanggang June 30. Isang malaking karangalan para sa bandang Ben & Ben na maging bahagi ang kanilang musika sa naturang proyekto. “Sobrang na-touch kami. I think it’s safe to speak for all of us. Medyo napa-throwback kami to the time na we were writing the songs together. It’s overwhelming to see what PETA is doing is fresh. Ang galing talaga nila, wala ako masabi,”paglalahad ng bokalistang si Miguel.
“When this project came to us, parang we questioned why us especially because we are relatively still young in terms of our work,” dagdag naman ng kakambal ni Miguel na si Paolo.
Jason, may hugot sa relationship death!
Napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms ang bagong dance-pop single ni Jason Dy na Magsabi Ka Lang. Mismong ang singer ang nagsulat ng naturang kanta ilang taon na ang nakalilipas. “Basically, the concept was going through different stages of grief pero hindi about death. The death of a relationship. Pinagdadaanan ng tao emotionally ‘pag things starting to get bad na sa relationship,” makahulugang pahayag ni Jason.
Magsasampung taon nang aktibo sa music industry ang binata. Unang nakilala si Jason bilang grand champion sa The Voice Philippines Season 2 noong 2015. Maraming mga bagay na ang natutunan ng singer sa halos isang dekadang nakalipas. “It’s feels like it just happened yesterday and it’s been ages ago ‘yung pagkapanalo ko sa The Voice. I’m still very thankful na I’m still able to do what I do and ito pa din ginagawa ko. Sigurolearnings just enjoy what you do, love what you do and continue improving, be nice to people, be kind to people,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)