Heart inaming pinsan si Jodi, kinumpara kay Natalie Portman
Kamakailan ay naibahagi ni Heart Evangelista sa pamamagitan ng isang TikTok live ang tungkol sa pagiging magpinsan nila ni Jodi Sta. Maria. Ayon kay Heart ay talagang isa si Jodi sa mayroong pinakamabuting puso sa industriya. “Jodi Sta. Maria is my cousin from my mother’s side. I love Jodi Sta. Maria. She’s super nice and […]
Kamakailan ay naibahagi ni Heart Evangelista sa pamamagitan ng isang TikTok live ang tungkol sa pagiging magpinsan nila ni Jodi Sta. Maria.
Ayon kay Heart ay talagang isa si Jodi sa mayroong pinakamabuting puso sa industriya. “Jodi Sta. Maria is my cousin from my mother’s side. I love Jodi Sta. Maria. She’s super nice and she’s one of the genuine ones in showbiz. I didn’t even know that she was my cousin until a few years of show business but she is my cousin, my second cousin from my mom’s side,” pahayag ni Heart.
Para kay Heart ay isa rin si Jodi sa mga pinakamagagaling na aktres sa bansa. “Jodi is a great actress. She’s from the Philippines and she’s like Natalie Portman. Super beautiful, super expressive eyes. I love her,” giit ng aktres.
Mga magulang ni Ryan, lumambot ang puso dahil sa kanyang gf
Hindi naging madali para kay Ryan Bang ang mga pinagdaanan sa buhay noong sa Korea pa nakatira. Naranasan daw naman ni Ryan noong kabataan na naging maluwag sa buhay. “Pinanganak po ako na okay na okay. Daddy ko po meron siyang tatlong bilyaran. Billiard player po ang daddy ko, champion siya. Ang mommy ko po hindi siya nagtatrabaho kasi malaking kita naman daddy ko. So super meron po kami bahay, pinapaaral nila ako golf, horseback riding. Meron po kami kabayo no’n. Tapos 7 years old ako meron kami International Monetary Fund (crisis), bumagsak. So walang naglalaro ng billiard. Nag-divorce po sila so naghiwalay sila. Grade 4 ako sobrang ganda ng bahay. Tapos lumipat kami condo 2-bedroom. Tapos lumipat kami 1-bedroom. Then lumipat kami sa 2nd floor na maliit na condo 1-room, wala kaming kwarto,” pagdedetalye ni Ryan sa YouTube channel ni Karen Davila.
Naiwan ang aktor sa poder ng ina nang magkahiwalay ang mga magulang. Ayon kay Ryan ay talagang nasaksihan niya ang mga naging sakripisyo ng ina. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na manirahan si Ryan sa Pilipinas. “Grade 4, grabe ‘yung trabaho. Marami po siyang work, sa insurance, naghugas ng pinggan siya sa restaurant. ‘Yung best friend niya, no’ng medyo kaya pa, ang mommy ko tinulungan pala ng mommy ko ‘yung kaibigan niya. Tapos ‘yung kaibigan niya may negosyo dito, yumaman dahil sa pera ng mommy ko so nag-favor ‘yung mommy ko. ‘Pwede muna tumira ang anak ko?’ Kaibigan ng mommy ko may asawa pero walang anak. So parang inampon nila ako,” kwento niya.
Ngayon ay may kanya-kanya nang negosyo ang mga magulang ni Ryan. Maganda na rin ang pakikitungo ng mga ito sa isa’t isa bilang mga magulang ng aktor. Gumawa pa umano si Ryan ng isang group chat para magkausap-usap sila bilang isang pamilya. “I really appreciate my parents kahit hiwalay sila. Kasi only child, hinawak ko group chat, Viber. Once a week umaalis ‘yung ang daddy (sa chat group). Maya-maya, i-invite ko ulit. Maya-maya konting usap pa, umaalis ang mommy, i-invite ko ulit. Masyadong sensitive, parang mga bata. Kahit konting salita, sabi ng daddy, ‘Bakit gano’n ‘yung advice mo sa anak mo?’ Tapos, umalis ang mommy. Hirap mag-invite. Sabi ko paano kapag kinasal ako, dapat pumunta kayo sa Pilipinas,” nakangiting pagbabahagi ng It’s Showtime host.
Bukod sa pagiging host sa It’s Showtime ay pag-aari rin ni Ryan ang Paldo restaurant na nagbukas kamakailan. Matatandaang Enero lamang nang ipakilala ng binata sa publiko ang kasintahang si Paola Huyong. Naipakilala na rin ni Ryan nang personal sa mga magulang ang kasintahan. “Pumunta kami ng girlfriend ko kasama ng younger sister niya. ‘Mommy, dinner tayo with daddy.’ Nagalit siya, ‘Kung hindi mo alam ang istorya ko, huwag mo sabihin ‘yan,’ nagalit. Sabi ng daddy ko, ‘Dinner tayo with mommy!’ ‘Patayin mo na lang ako.’ Tapos last day, sabi ng mommy, ‘Anong oras ang flight n’yo ni Paola? Tawagin n’yo na ang daddy n’yo.’ Nag-lunch kami, nando’n ang girlfriend ko, sister niya, mommy ko at daddy ko. Hindi ako makapagsalita, naiiyak ako. Dahil kay Paola, nagbukas ang puso ni mommy, puso ni daddy,” masayang paglalahad ng binata. — Reports from JCC