Angelica, may kondisyon sa pagbabalik-teleserye

JUST ASKING – Leon Guerrero – Pilipino Star Ngayon April 20, 2024 | 12:00am Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Bela Padilla, Kim Chiu – ‘yan ang mga dagdag na personalidad na namataan sa Siargao ngayon para sa sinasabing kasal (or renewal of vows) nina Angelica Panganiban at Gregg Homan. […]

Angelica, may kondisyon sa pagbabalik-teleserye

Angelica, may kondisyon sa pagbabalik-teleserye thumbnail

JUST ASKINGLeon Guerrero – Pilipino Star Ngayon

April 20, 2024 | 12:00am

Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Bela Padilla, Kim Chiu – ‘yan ang mga dagdag na personalidad na namataan sa Siargao ngayon para sa sinasabing kasal (or renewal of vows) nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

After this ceremony, handa na bang mag-shoot ng teleserye si Angelica?

At totoo ba ang nasagap naming arrangement niya ay ok siyang request na sana magkakasunod na araw na taping kapag weekdays pero the weekends are really for the family?

This makes sense, ‘di ba? Talagang nag-iiba ang perspective at priorities kapag nanay na! Nakakatuwa lang!

Vice-Jun collab, ni-reveal na!

So tama na naman tayo about the Vice Ganda-Jun Lana partnership for the Star Cinema-IdeaFirst’s possible Metro Manila Film Festival entry na – And The Breadwinner Is…!

At tama ba ang narinig natin, na aside from Vice – wala pang ibang artista in consideration; story ang major concern and to follow na lang ang artista?

Kung ganu’n maganda ang proseso ‘di ba?

Istorya muna, bago casting!

Sana nga marami pang magagandang kuwentong ma-submit sa darating na 50th Anniversary ng MMFF!

Jhong, palulusutin ng COMELEC?!

Napabalita rin na kasama si Jhong Hilario sa pelikula ni Vice Ganda na And the Breadwinner is…

Kung intended ito for the MMFF in December, at ang filing ng candidacy sa mga tatakbong public officials ay sa October na, papayagan kaya o hindi kaya ma-consider na electioneering na ang pag-appear sa movies o teleserye?

Oh well, February pa naman ang start ng official campaign season kaya puwedeng lumusot pa ito katulad ng iba pang nagpaplano ng movies for the MMFF in December na may balak kumandidato rin for elections.

Tingnan lang natin kung maghihigpit o mag-iiba ang rules ng Comelec!

Famas, pinagpapaliwanag sa registration fee!

Kailan na ang awarding ng Famas? Bakit kaya nag-move sila ng deadline ng submission ng movies for review?

Totoo bang para ma-consider sa awards, kailangang mag-pay ng registration fee?

At kung wah pay, hindi rerebyuhin, hindi kasali sa awarding? Kailangang may mag-explain sa NKKLK kalakarang ito!

Kaya madalas absent sa Bulaga… Maine, buntis na rin?!

Bakit madalas si Maine Mendoza-Atayde na nag-a-absent sa Eat Bulaga?

Maraming nagtatanong, buntis na ba siya?

Nakakata-Quote:

“Emirates , please help your stranded passengers. There is only 1 help desk, I think, handling all these tired, hungry and sleep deprived passengers here at DBX. There are no updates on the status of the flights. Some people have been here for 3 or 4 days waiting. The food voucher they gave is just for 1 meal” – From film producer Ferdy Lapuz on his way with the Philippine contingent to the Moscow Film Festival