Bea at Julia nagtawanan at nagbeso-beso habang nasa Mindanao si Gerald

Gulat na gulat si Mr. Johnny Manahan sa surprise birthday party sa Resorts World Manila last Saturday night. Chika ng isa sa mga invited sa nasabing party, pinag-isipan ng partner nitong si Mariole Alberto kung paano mapapapunta si Mr. M sa nasabing party na black and white ang theme. Si Keren Pascual ang isa sa […]

Bea at Julia nagtawanan at nagbeso-beso habang nasa Mindanao si Gerald

Bea at Julia nagtawanan at nagbeso-beso habang nasa Mindanao si Gerald thumbnail

Gulat na gulat si Mr. Johnny Manahan sa surprise birthday party sa Resorts World Manila last Saturday night.

Chika ng isa sa mga invited sa nasabing party, pinag-isipan ng partner nitong si Mariole Alberto kung paano mapapapunta si Mr. M sa nasabing party na black and white ang theme.

Si Keren Pascual ang isa sa organizer nito na nag-celebrate rin ng birthday recently kasama ang iba pang mga taga-Star Magic.

Nag-celebrate nga ng 77th birthday si Mr. M last Feb. 11.

Naka-formal ang lahat ng mga dumalo sa party na ang hashtag ay #MrMNightof100Stars.

Pero sa kasalukuyan ay consultant  si Mr. M sa talent arm ng GMA 7, ang Sparkle.

Hanggang July this year pa raw ang contract nito sa Sparkle kaya hindi totoong wala na ito sa GMA dahil nga majority sa naging bisita sa nasabing party ay pawang Kapamilya stars.

At ang isa sa nag-trending na ganap sa nasabing party ay pagbabati nina Bea Alonzo and Julia Barretto.

Common knowledge ang naging kontrobersya kina Bea at Julia dahil kay Gerald Anderson na hindi nakadalo sa nasabing party dahil ayon daw kay Julia ay nasa Mindanao ito for a mall show.

At ang tulay raw ng kanilang pagbabati, si Darren Espanto.

Hindi lahat ng nasa party ay naging witness sa nasabing reconciliation nina Bea at Julia.

Nakitang ok din doon ang mag-titang sina Claudine Barretto at Julia.

Pero ang isa sa mga na-miss sa party ay si Daniel Padilla. Hindi raw ito nakarating dahil nasa Boracay ito.

Present si Kathryn Bernardo at andun din si Jericho Rosales na nili-link kay Kathryn.

Anyway, happy happy nga raw ang lahat ng mga andun sa party at walang umeksena.

Si John Lloyd Cruz ay nag-upload ng ilang photos sa kanyang Instagram ng mga kaganapan sa party.