EA Guzman, hirap sa pagiging celibate

Aminado si EA Guzman na hindi madaling maging celibate. As in wala silang intimate moments ng girlfriend na si Shaira Diaz. Nauna nang sinabi ng actor na naipangako niya ito sa girlfriend at sa pamilya nito na hindi sila tutulad sa ilang showbiz couples na nagli-live in muna bago pakasal. Kaya naman marami ang pumuri […]

EA Guzman, hirap sa pagiging celibate

EA Guzman, hirap sa pagiging celibate thumbnail

Aminado si EA Guzman na hindi madaling maging celibate. As in wala silang intimate moments ng girlfriend na si Shaira Diaz.

Nauna nang sinabi ng actor na naipangako niya ito sa girlfriend at sa pamilya nito na hindi sila tutulad sa ilang showbiz couples na nagli-live in muna bago pakasal.

Kaya naman marami ang pumuri sa kanya.

Hiningan namin siya ng reaction at biglang naging ‘role model’  siya dahil doon. “Ang sarap lang din basahin nung mga nakikita kong comments and write-up about us, about Shaira and me,” umpisa nito after the Best Time Ever presscon ng ilang programa ng GMA 7.

“Siguro sinasabi nila na hanga sila, idol ganyan. Maraming salamat kasi mahirap din sa akin. Hindi siya madaling gawin. Kumbaga ang dami ko rin sacrifices pero ‘yun nga ginawa ko ‘yun because of Shaira, dahil mahal ko si Shaira,” katwiran ng actor na napapanood sa programang Bubble Gang.

“So sa lahat ng mga humahanga, maraming salamat po and kaya ninyo rin ‘yan. Kung kaya ko, kaya ninyo rin ‘yan. So kami lang naman ni Shaira hindi namin ‘yun sinabi or in-announce because gusto lang namin magpasikat. Gusto rin namin na may mapulot silang magandang lesson sa amin. About sa relationship namin and ‘yung love namin sa isa’t isa,” dagdag ng actor.