Say ng insider…Eat Bulaga, ‘di nagpa-panic
Hindi nagpa-panic at chill lang daw ang Eat Bulaga sa nagaganap na salpukan sa It’s Showtime sa GMA 7. Ayon sa isang insider ng TV5, hindi totoong may emergency meeting at super panic ang production ng EB. In fact, taped nga raw ang episode nila last Monday and Tuesday. Na sign na hindi raw talaga […]
Hindi nagpa-panic at chill lang daw ang Eat Bulaga sa nagaganap na salpukan sa It’s Showtime sa GMA 7.
Ayon sa isang insider ng TV5, hindi totoong may emergency meeting at super panic ang production ng EB.
In fact, taped nga raw ang episode nila last Monday and Tuesday.
Na sign na hindi raw talaga sila nag-effort para tapatan pa ang pag-uumpisa ng It’s Showtime sa GMA 7.
Alam na raw nila from the start na may captured audience na sila at loaded ang commercial kaya wala raw talaga silang financial problem contrary sa mga kumakalat na intriga.
Happy rin daw ang TV5 sa rating ng Eat Bulaga. “Kasi noon namang nasa TV5 ang Showtime, parang 2% lang rating nito,” say pa ng source.
Saka accepted naman daw nila na lima ang channel ng It’s Showtime compared sa kanila na two channels lang.
Anyway, busy raw ngayon ang TV5 sa My First Family, ang comedy show ng Muhlach Family – Aga, Charlene, Atasha and Andres.
Kahapon ay nag-taping na ang ‘first family’ at medyo kabado raw talaga si Andres. Kailangan daw nitong mag-workshop para ma-overcome ang kaba.