Audience share sa streaming, kailangan na ring ipakita

JUST ASKING – Leon Guerrero – Pilipino Star Ngayon March 19, 2024 | 12:00am Maris Racal at Rico Blanco Nagsimula nang mag stream ang What’s Wrong With Secretary Kim with Kim Chiu and Paulo Avelino sa Viu Philippines kahapon. Gaano kaya kalaki ang audience share nito sa Viu? Hindi kaya maganda ring maipublish ang metrics/ratings […]

Audience share sa streaming, kailangan na ring ipakita

Audience share sa streaming, kailangan na ring ipakita thumbnail

JUST ASKINGLeon Guerrero – Pilipino Star Ngayon

March 19, 2024 | 12:00am

Maris Racal at Rico Blanco

Nagsimula nang mag stream ang What’s Wrong With Secretary Kim with Kim Chiu and Paulo Avelino sa Viu Philippines kahapon.

Gaano kaya kalaki ang audience share nito sa Viu?

Hindi kaya maganda ring maipublish ang metrics/ratings ng mga streaming platform kasama na diyan ang Netflix to see if they are really hitting the target audience.

Does it follow na after ng Viu Exclusive ay mapapanood din ito sa ABS-CBN on a much later day. Parang ‘yung Linlang din lang, ‘di ba? Ganyan siguro ang Kim-Paulo tandem, pa trial trial lang muna.

Parang acquired taste ang panonood ng Can’t But Me Love. While others are raving about how far the DonBelle loveteam has gone, some people na glued to Netflix are saying na baka puwedeng i-tone down ang napakataas and bordering na on OA caricature acting ni Nova Villa. Unless ‘yun talaga ang gusto ng direktor?

But guess kung sino ang unanimously like ng mga tao? Si Maris Racal no less! Si Maris ba nagce-celebrate abroad with birthday boyfriend Rico Blanco!

Juliana, na-maintain ang gold sa fencing

Proud parents sina Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez dahil na-maintain ng anak nilang si Juliana Gomez ang UAAP fencing gold for the second straight season!

Saan at paano kaya ang magiging celebration? Kasama niya pa rin kaya ang kanyang boyfriend na nagfe-fencing din na si Miggy Bautista ?

Julia at Bea, tanggal na ang bubog!

All’s well that ends well ba talaga? Usap-usapan na nakita sa isang corner na ok an ok na sina Julia Baretto with Bea Alonzo and they were exchanging hearty laughs na!

Ang ganda, di ba? Ibig bang sabihin na they are both coming from good places na?

Julia and Gerald? And Bea and Dominic Roque na balitang nagkakaigihan na ulit?

National artist Ricky Lee may intimate birthday celebration, Lav Diaz may concert

Kung may night of 100 Stars si Mr M, isa naman intimate gathering ng mga creative ang magaganap sa birthday party naman ng  Sir Ricky Lee ngayong gabi.

Big thing ito sa lahat ng mga naturuan at nakasama at nakatrabaho ng ating National Artist kaya exciting ito.

Totoo bang magco-concert ang rockstar filmmaker  na nanalo ng Golden Leopard sa Locarno at Golden Lion sa Venice International Film Festival at itinuturing na “the ideological father of the New Philippine Cinema” — kaabang-abang si Direk Lav Diaz in concert, ‘di ba?

Nakakata-quote :

“So yung mga nagsabing “break a leg” nung reunion show… …usap tayo – Mark Escueta of Rivermaya who had a bike accident recently.

Grabe ang sense of humor, siya raw ang “Hari Ng Saklay”!!! Get well soon Mark!!!