Aubrey Miles na isang plantita, nakapagbenta ng halaman sa halagang P1 milyon

Marso 13, 2024 2:31pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News Sa kaniyang pagiging isang plantita, napakikinabangan at pinagkakakitaan din ni Aubrey Miles ang kaniyang mga halaman. Ang isa niyang rare plant, naibenta niya sa halagang P1 milyon. “P1 million. Spiritus sancti. From Brazil kasi siya, from the rainforest, very rare,” sabi ni Aubrey sa […]

Aubrey Miles na isang plantita, nakapagbenta ng halaman sa halagang P1 milyon

Aubrey Miles na isang plantita, nakapagbenta ng halaman sa halagang P1 milyon thumbnail

Marso 13, 2024 2:31pm GMT+08:00

SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News

Sa kaniyang pagiging isang plantita, napakikinabangan at pinagkakakitaan din ni Aubrey Miles ang kaniyang mga halaman. Ang isa niyang rare plant, naibenta niya sa halagang P1 milyon.

“P1 million. Spiritus sancti. From Brazil kasi siya, from the rainforest, very rare,” sabi ni Aubrey sa Fast Talk with Boy Abunda.

“Hindi mo siya mahahanap basta kung ibebenta sa mga ganito. Kailangan mo siya talagang i-hunt,” dagdag ni Aubrey.

Ayon sa actress-model, pinararami niya ang Spiritus sancti sa pamamagitan ng propagation.

“Nagbenta muna ako ng mga halaman. Tapos nu’ng bumili ako, cinut (cut) ko, binenta ko ‘yun. Tapos cinut ko ulit, binenta ko ulit,” sabi niya.

“Kung binili ko ‘yun ng one million, igo-grow ko lang siya, ibebenta ko ng [P300,000]. Tapos ‘yung isa, [P200,000]. Mga ilang leaves lang ‘yun, mga two, ganiyan,” pagpapatuloy ni Aubrey.

Ang asawa naman niyang si Troy Montero ang nagsisilbi niyang assistant sa pag-aalaga ng mga halaman.

“She’s so much more organized, so it’s half-half,” sabi ni Troy tungkol sa kung sino ang humahawak ng pera sa kanilang mag-asawa.

Bukod dito, mahalaga rin na nag-uusap sina Aubrey at Troy sa kanilang mga investment at gastusin.

“Even sa bills, sasabihin ko ‘You need to like pay this.’ I’ll show it to him. ‘O give it to me,’ ako na ang bahala,” kuwento ni Aubrey.

“Kahit maliit na amount…even groceries, we always have a list. ‘Pag may sumobra na, okay lang. Pero pagka dalawa talaga, umu-over lagi. Kaya minsan siya na lang,” dagdag niya.

Ayon pa kay Aubrey napakikinabangan din nila ang social media para makapagtabi ng pera.

“From the social media and campaigns, we put it aside. From now, we started working again. At sa akin, iba naman ‘yung pawnshop,” sabi ni Aubrey.

“So, ‘yung mga social media campaigns namin, it’s a perk, so we put it aside, for travel,” saad pa niya.

Marso 2022 nang maging engaged ang dalawa matapos ang 18 taon ng kanilang pagiging magkasintahan.

Ilan buwan matapos ang kanilang engagement, nagpakasal sina Troy at Aubrey noong Hunyo 2022 sa isang intimate civil ceremony.

Mayroon na silang dalawang anak na sina Hunter at Rocket, at may isa pang anak sa dating karelasyon si Aubrey. — VBL, GMA Integrated News