Alden, pinaiingay kay Kathryn para sa HLG 2

SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon April 18, 2024 | 12:00am Nag-trending kamakalawa lang ang isyung panliligaw diumano nina Jericho Rosales at Alden Richards kay Kathryn Bernardo. Pinaingay lalo ito ng vlog ni Ogie Diaz. Ang bilis tuloy na pinag-usapan ang kuwentong ito, at ilan sa mga napagtanungan namin ay nagkumpirma totoo […]

Alden, pinaiingay kay Kathryn para sa HLG 2

Alden, pinaiingay kay Kathryn para sa HLG 2 thumbnail

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

April 18, 2024 | 12:00am

Nag-trending kamakalawa lang ang isyung panliligaw diumano nina Jericho Rosales at Alden Richards kay Kathryn Bernardo.

Pinaingay lalo ito ng vlog ni Ogie Diaz.

Ang bilis tuloy na pinag-usapan ang kuwentong ito, at ilan sa mga napagtanungan namin ay nagkumpirma totoo nga raw itong kuwentong ligawan.

Iyung kay Alden ang hindi pa sila sure dahil ang duda ng karamihan ay sinisimulan na nilang paingayin para sa sequel ng Hello, Love, Goodbye, na ang dinig namin ay sa Canada raw ang shooting.

Natanong nga rin namin kahapon si Joross Gamboa sa press conference ng sitcom at game show na Barangay Singko Panalo, sobrang tipid ang sagot niya kung paano na siya makapag-taping nang tuluy-tuloy kung kailangan na niyang mag-shoot para sa HLG. “Hindi ko alam. Mapapag-usapan naman natin, when we get there.

“Maaano naman sa barangay. Ayoko naman magsalita pa ng ano. Depende sa kanila,” medyo naaa­langan pang sagot ni Joross.

Kung pinapainit na nga ang tandem nina Alden at Kathryn, posibleng pinapalutang na itong isyung ligawan na boto si Mommy Mhin at ang buong pamilya ni Kathryn.

Mas totoo raw kasi itong panliligaw ni Echo kay Kathryn. Pero hindi raw type ng pamilya kaya itinatago na lang muna ang ligawan.

May mga nagsasabi ring may binubuong project na pagsasamahan nina Kathryn at Jericho kaya pinapaingay din ang tandem nilang dalawa.

Pero mas naniniwala kami sa totoong nanliligaw, dahil hindi sinasagot ng aktor kapag natatanong siya tungkol dito.

Pero may ilang kaibigan daw na sinasagot ni Echo na puwede naman daw siyang manligaw di ba?

Sasagutin kaya siya ni Kathryn? Handa na kaya ang young superstar sa panibagong pag-ibig?

Reklamo ng Borracho, sinagot ng FDCP

Bukod sa announcement ni Atty. Ferdie Topacio ng pelikulang ginagawa ng Borracho Films, may pasabog siya tungkol sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay sa subsidy na ibinibigay daw sa producers nung MMFF 2022.

Sa filmfest na iyun ay entry ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told na kung saan ay nanalo pa itong 2nd Best Picture at ilan pang awards.

Ayon kay Atty. Topacio, hindi naman daw natupad ang 500 thousand na ipinangako sa kanila ng FDCP na gagamitin dapat nila sa promo.

Nagpasintabi muna siya sa bagong FDCP Chairman na si direk Joey Reyes, dahil alam naman daw niyang wala pa itong kinalaman.

Ani Atty. Topacio; “Binigyan kami ng list of requirements, nag-submit kami.

“Nag release 300 thousand. Bago, nagbigay na naman ng additional requirements. Sabi namin, para saan ito? Para i-release na naman yung 200 thousand natitira, kailangan daw ipakita namin na entry talaga kami sa MMFF. Sabi ko, ‘hello! E napalabas na e. Siguro isang milyong tao alam na entry kami. Pinalabas sa sinehan e.

“Siya na rin, para walang masabi sumunod kami. Hanggang ngayon, waley! Ano ba naman yun? Alam nyo, hirap na nga sa taxes, sa kung saan saan ang pelikulang Pilipino, gaganyanin n’yo pa? Huwag namang ganun!

“Kundi nyo kaya huwag na lang mangako, nakakabuwisit pa e. Huwag na lang sana, hindi nyo pala kaya e.

“Gusto ko nasa magreklamo sa ARTA (Anti-Red Tape Authority). For principle lang, ano ba naman ‘yung 200 di ba? Pero yung prinsipyo e. Huwag na kayong mangako ng subsidy kung hindi n’yo naman iri-release, na ang daming requirements, na dati naman wala.”

Ipinarating namin kay direk Joey Reyes itong hinaing ni Atty. Topacio at kaagad naman siyang sumagot na iparating niya ito sa mga taong concerned.

Ayon sa staff na napagtanungan ni direk Joey, iyung 300 thousand pesos ay first tranche. Para makukuha raw ang remaining 200 thousand, kailangan ma-clear muna ‘yung project sa audit.

Nagre-remind na raw sila sa mga producer na mag-submit ng liquidation para ipalabas na ang final tranche.

Ang sabi pa ng staff ng FDCP, ini-insist daw ng staff ni Atty. Topacio na nakapag-submit na raw sila ng lahat na requirements pero wala naman daw silang natatanggap.

Bago na rin daw ang staff ng Borracho Films, at nakikipag-coordinate doon ang FDCP para tulungan na rin sila sa liquidation. Hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang naisumiteng kulang na requirements.

Dagdag na text sa amin ni direk Joey; “I’ve asked them to gather all the details re this project. But based on our recent records, sila po ang may kulang.”

Anyway, tuloy pa rin ang Borracho sa paggawa ng pelikula. Patapos na sila sa post production ng Spring in Prague, at sisimulan na nila ang pre production ng biopic ng dating Sen. Gringo Honasan.

Ang narinig namin, ang isa sa napipisil nilang gumanap bilang Gringo Honasan ay si Jake Cuenca.

Hindi naman daw pakikialaman ng dating senador kung sino ang mapipili nilang artistang gaganap.