Alden at Kathryn, ginagawan ng malisya ang closeness!
Hindi ko alam bakit masyado ang play-up sa friendship nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. If ever maging very close sila, ano ba ang problema? Pareho naman silang single, walang commitment, kaya ok lang. Huwag nang magkontrabida ang iba, hayaan nang maging happy ‘yung gustong maging happy. Kita mo naman ang kilig ng followers nila […]
Hindi ko alam bakit masyado ang play-up sa friendship nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
If ever maging very close sila, ano ba ang problema? Pareho naman silang single, walang commitment, kaya ok lang.
Huwag nang magkontrabida ang iba, hayaan nang maging happy ‘yung gustong maging happy.
Kita mo naman ang kilig ng followers nila ‘pag nakikita sila magkasama, so let it be.
Siguro nga magandang project na magsama sila at makita na puwede silang kahit sino ang partner.
So tanggapin na natin at huwag nang kontra.
‘Tuloy ang buhay’
Talagang looking forward ako sa mga rampa namin nila Salve dahil kahit papaano may mga bagay na nakakapag-deviate ng utak ko sa aking medical situation.
‘Kainis pa naman dahil biglaan kung umatake ‘yung weakness ko sa katawan. Bigla na lang makaka-feel ako ng panghihina in the middle of the day na akala ko ok na ako.
Kaya nga hindi na ako puwedeng lumalakad nang mag-isa, dapat kasama ko na si Mel, kasama ko sa bahay, para alalayan ako at kung anumang mangyari meron akong kasama.
Malakas lang talaga ang tolerance ko sa pain kaya nakakaya ko na parang wala lang pero actually talagang may pagkapasaway ang sakit ko. ‘Pag matagal akong nakatayo, nahihilo ako. ‘Pag lumakad ako ng medyo malayo, nahihilo ako na sabi ay epekto ang dialysis ko.
Halos lahat nga ng kasabayan ko nauna nang iwan ako. I really miss talking with Ricky Lo, Mario Bautista and mama Ethel Ramos.
Either God loves me so much, or nadadala sa prayers ng nagmamahal sa akin kaya nandito pa rin ako.
I don’t know, pero there are times na akala ko ending na like when I got sick, pero heto pa rin at tuloy ang buhay.
Talaga sigurong mahal ako ng langit kaya tuloy ang buhay para sa akin.
Salamat po, forever grateful.