Zanjoe Marudo at Ria Atayde, mag-asawa na!

Nagpakasal na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Ibinahagi ito ni Zanjoe sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, na sinamahan niya ng ilang larawan ng kanilang wedding ceremony. Binati rin ng aktor si Ria ng happy birthday, na tinawag niyang kaniyang asawa, at may nakasaad na March 23, 2024 sa caption. […]

Zanjoe Marudo at Ria Atayde, mag-asawa na!

Zanjoe Marudo at Ria Atayde, mag-asawa na! thumbnail

Nagpakasal na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Ibinahagi ito ni Zanjoe sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, na sinamahan niya ng ilang larawan ng kanilang wedding ceremony.

Binati rin ng aktor si Ria ng happy birthday, na tinawag niyang kaniyang asawa, at may nakasaad na March 23, 2024 sa caption.

Inulan naman ng pagbati ang bagong kasal sa comment section, mula sa kanilang followers at kapuwa celebrity gaya nina Kaye Abad, Kyline Alcantara, Vina Morales, Jake Ejercito, at iba pa.

Nito lang nakaraang buwan, inanunsyo nina Zanjoe at Ria ang kanilang engagement. Enero 2023 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Si Ria ay nakababatang kapatid ng aktor at Quezon City 1st District Representative na si Arjo Atayde.

Ikinasal naman si Arjo sa actress-TV host na si Maine Mendoza noong Julye 2023. —FRJ, GMA Integrated News