‘Wonder Woman’ na si Gal Gadot, isinilang na ang ika-apat na anak na babae ulit

Isinilang ng aktres na si Gal Gadot ang kaniyang ika-apat na anak na babae ulit. Sa Instagram, nag-post si Gal, na kilala sa kaniyang role bilang si “Wonder Woman,” ng larawan habang hawak niya ang kaniyang baby girl. “My sweet girl, welcome,” saad ni Gal sa caption. “The pregnancy was not easy and we made […]

‘Wonder Woman’ na si Gal Gadot, isinilang na ang ika-apat na anak na babae ulit

‘Wonder Woman’ na si Gal Gadot, isinilang na ang ika-apat na anak na babae ulit thumbnail

Isinilang ng aktres na si Gal Gadot ang kaniyang ika-apat na anak na babae ulit.

Sa Instagram, nag-post si Gal, na kilala sa kaniyang role bilang si “Wonder Woman,” ng larawan habang hawak niya ang kaniyang baby girl.

“My sweet girl, welcome,” saad ni Gal sa caption. “The pregnancy was not easy and we made it through.”

Ibinahagi rin ng actress-model ang pangalan ng kaniyang anak, at ang kahulugan nito.

“You have brought so much light into our lives, living up to your name, Ori, which means ‘my light’ in Hebrew. Our hearts are full of gratitude,” sabi ni Gal.

“Welcome to the house of girls.. daddy is pretty cool too,” dagdag pa niya.

Pawang babae rin ang tatlo pang anak nina Gal at Jaron Varsano, na sina Alma, Maya, at Daniella.

Dati nang sinabi ni Gal na gusto niya ang pagbubuntis at tinawag niya itong “incredible” experience.

Bukod sa “Wonder Woman 3” na gagawin, makakasama rin si Gal sa Disney’s live-action “Snow White and the Seven Dwarfs,” na gaganap siyang Evil Queen. — FRJ, GMA Integrated News